Bawat isa ay may natatanging kakayahan, katangian, at kapangyarihan.
Tayo ay may tatlong espesyal na kapangyarihang nasa loob lamang natin. Ngunit, kadalasan ay binabalewala natin ito.
Una sa kapangyarihang taglay natin ay ang ating kaisipan. Lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay bunga ng ating kaisipan. Kung tayo ay laging negatibo, asahan na negatibo rin ang ating buhay. Mahalaga na palakasin natin ang ating kaisipan. Punuin ito ng magaganda at positibong ideya upang maging produktibo ang ating buhay. Magagawa nating mag-response ng tama at mabilis sa mga sitwasyon sa ating paligid.
Isa pa sa kapangyarihang taglay natin na hindi natin pinapansin ay ang ating puso. Bagama’t sa realidad, ang ating puso ay isang blood pumping organ, ito ay naging simbolo ng ating damdamin at emosyon. Mahalaga na panghawakan natin ang ating damdamin dahil kung hindi, tayo ang kokontrolin nito.
Kutob ang pangatlo sa espesyal na kapangyarihang taglay natin. Bawat living thing ay may defense mechanism laban sa mga bagay at pangyayari na makapagdudulot ng kapahamakan. Nararamdaman ng ating body system kung ikapapahamak natin ang isang tao, bagay, o sitwasyon. Tinutulungan rin nito tayo na makita ang tunay na mukha ng mga tao at pangyayari sa ating buhay.
Huwag nating balewalain ang mga kapangyarihang nabanggit. Kung gagamitin ng wasto, magiging maayos at matiwasay ang buhay mo.