26.5 C
Manila
Wednesday, September 4, 2024

ANG TAMANG POSISYON KUNG SAAN DAPAT ILAGAY ANG KANDILA AYON SA KULAY NITO

Sa Feng Shui, ang kandila ay sumisimbolo sa elemento ng Apoy. Ginagawa nitong mainit at kaaya-aya ang tahanan. Ayon sa sinaunang Chinese Feng Shui na mga prinsipyo sa dekorasyon ng bahay, ang mga kandila ay makakatulong na makamit ang isang estado ng masiglang balanse.

Iniimbitahan ng mga kandila ang init na Fire Element sa tahanan na umaakit ng suwerte, kasaganaan, at kayamanan. Sa Feng Shui, mahalagang isaalang-alang ang direksyon o posisyon kapag naglalagay ng mga kandila—at ito ay nasa gitnang bahagi o gitna.

Ang Timog, Timog-kanluran, at Hilagang-silangan na mga lugar ng bahay ay mahusay din sa Feng Shui. Mainam na isaalang-alang ang kulay ng kandila kung saan ito dapat ilagay. Ang pula, orange, at dilaw na kandila ay sumisimbolo sa “puso ng tahanan” (home hearth) kaya dapat ilagay ang mga kandilang ito sa pinakagitna ng bahay. Ilang kasangkapan o bagay sa bahay ang nakakatulong sa libreng daloy ng Chi energy, at makakatulong ang kandila na palakasin ang sirkulasyon ng Chi energy.

Sa Feng Shui, mahalaga din ang kulay ng mga kandila. Ang pula, orange at dilaw na kandila ay sumisimbolo sa elemento ng Apoy. Ang mga kandila sa pula, orange o dilaw na kulay, na sinamahan o may halong itim, lila, asul at berdeng mga kandila ay nagpapakilala o nagpapakita ng limang elemento ng Feng Shui, na nakaugnay sa isang balanseng personal, panlipunan at espirituwal na buhay.

Ang mga kahoy na materyales, may hawak na kandila, dekorasyong dahon, prutas, berry at iba pang dekorasyong gawa sa kahoy na sinamahan ng mapula-pulang kayumangging kulay ay dapat ilagay sa Silangan dahil sa Feng Shui, ito ang bahagi ng bahay para sa kalusugan at masayang pamilya.

Ang Timog-silangang bahagi ay mabuti para sa pera at kasaganaan. Ang pula, orange, at dilaw na kandila, kung ilalagay sa Timog na bahagi ng bahay, ay magdudulot ng katanyagan at tagumpay. Para sa pag-ibig, maglagay ng pula, orange, o dilaw na kandila sa timog-kanlurang bahagi ng bahay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.