28.7 C
Manila
Saturday, September 7, 2024

Ang Pinakamabisang Pang-alis Ng Gayuma

Naniniwala ka ba sa gayuma? Marami ang naniniwala rito.Lalo na yung may mga alam sa paraan kung paano gumawa nito at iyong mga nakaranas na nito. Maaaring hindi ito katanggap tanggap sa iba. Subalit sa mga tao na desperada at desperado na ay ito ang napipiling solusyon para sa kanilang problema tungkol sa pag-ibig. Iba’t-iba ang uri ng gayuma. May mga gayuma na mahihina lamang ang talab. Ito yung gayuma na madali lang solusyunan. Pero meron ding mga gayuma na pangmalakasan. Yung tipong ihahatid ka talaga sa kamatayan kapag hindi mo nakayanan.

Subalit lahat naman ng gayuma ay may katapat na pampawala ng bisa. Kailangan mo lang itong malaman at matutunan. May mga paraan na mahirap gawin meron din namang madali. Depende sa kung gaano kabigat ang gayuma na pinararanas sa’yo. Ngayon ay matututunan mo kung paano gawin ang pinakamabisang pang-alis ng gayuma. Ang kakailanganin mo lang ay isang telang puti na kasinglaki ng panyo. Dapat ito ay walang bahid dungis o kahit na anong mantsa. Ni tuldok ay walang dapat makita. Kaya bago mo ito gamitin ay suriin munang mabuti. Kakailanganin mo rin ng asin at isang bote ng banal na tubig. Maaaring kumuha nito sa mga milagrosong bukal. Ballpen at kapirasong papel na kasya lamang ang iyong pangalan.

Ang kailangan mong gawin ay isulat sa papel ang buo mong pangalan. Kasama ang middle initial. Ilagay ang asin sa puting tela. Matapos ilagay ang asin ay sunod na ilagay ang kapirasong papel na may pangalan mo. Ipasok ito sa loob mismo ng asin hanggang sa hindi mo na ito makita. Yung natatabunan talaga ng asin.Pagkatapos ay bilutin ang tela at itali na mabuti. Iwasan na may malaglag na asin. Kapag naibilot na ng tama, kunin ang isang bote ng banal na tubig.Kailangan na ang boteng gagamitin mo ay kasya at mailalagay mo ang binilot na telang may asin at pangalan mo. At saka ito ilagay sa inyong altar. Mapapansin mo na ang gayumang bumabalot sa’yo ay unti-unting mawawala. Maaari mo rin itong gawin para sa iyong kamag-anak o kapamilya na alam mong ginagayuma.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.