Sadyang kailangan natin ang ulan lalo na ang mga magsasaka, upang madiligan ang mga pananim. Kaya nga may panahon ng tag-ulan para mabalanse ang vating panahon at klima. Subalit kung minsan,ang sobrang ulan ay nagdudulot din naman ng perwisyo sa tao. Pero, alam ba ninyo noong kaagahan ng ika-20 siglo’y nagkaroon ng tagtuyot sa ilang bahagi ng Estados Unidos. Pero, may paraan sila at may taong gumagawa ng kakatwang ritwal upang magkaroon ng ulan na papatak sa lupa.
Saka kung sobra naman ang patak ng ulan ay kaya niya iyong patigilin. Kaya binansagan ang isang kelot na “The Weatherman” at sikat sa bansag na “The Rainmaker. Ang kakatwa, may mga kinauukulan na ginagamit ang kakayahan ng lalaki upang lumikha ng unos o kaya ng bagyo, kahit wala namang inuulat ang ahensiya ng Weather Station na may binagyo o namumuong sama ng panahon.
Noong Enero 20, 1905, maliwanag nang araw na iyon ang himpapawid at walang nagbabadyang paparating na masamang panahon. Ngunit, pagkalipas ng apat araw, nasundan iyon ng anim na araw na unos na nagdala ng 2.85 in. rain sa naturang pook.
Umapaw ang San Diego River dahil sa walang tigil na pag-ulan. Ang ilang kabahayan ay lubog sa baha. Kung kaya, tumulong ang mga pulis doon upang mailikas ang mga stranded na home owners at mga motorista. Isang lalaki roon ang nagsabing bayaran ang lalaking si Charles ng $100,000 dollars upang matigil ang unos. Dahil sa walang tigil ang ulan sa loob ng anim na araw, pinutol ang water supply ng tubig, kung kaya naghanap ang mga miron ng water holes doon.
Kakatwa ring naglabasan ang mga iba’t-ibang uri ng hayop tulad ng palaka, alligator, ibon, daang-daang mga ahas, mga kulisap, daga, at bulto-bultong mga salagubang at tipaklong. Isang bagay ang kakatwa, bakit?
Walang naiulat ang Weather Agency doon na may paparating na bagyo sa kasagsagan ng taglamig. Kaya, nagmistulang water world ang buong siyudad. Ang tubig sa Morena dam ay umapaw at nadagdagan iyon sa lalim na 4 feet. Ang pinangangambahan, kapag umagos ang tubig mula sa dam, madadagdagan ang lalim ng baha ng 44 inches.
Ang kakatwang unos ay gawa ni Charles Mallory Hatfield, 39-anyos na ipinanganak sa Fort Scott, Kansas noong taong 1875, pero lumaki sa Minnesota. Isa siyang pluviculturist at nagsimulang gawin ang nakakamanghang kakayahan noong 1902. Noong taong 1904, ang promoter na si Fred Binney ay ikinampanya si Charles sa mga taga-Los Angeles na nagnanais umulan noong nakaranas sila ng matinding init ng taong iyon. Nagbayad sila ng $ 50 dolyar para lumikha lamang ng ulan si Charles. Nangako naman ang kelot na magpapadala siya ng ulan.
Sadyang pambihira ang angking kakayahan ni Charles noong kanyang mga kaarawan at kinikilalang extraordinary person ng mga pulitiko at ng mga miron. Minaster niya ang ganitong teknik sa loob ng rancho ng kanyang ama sa Bonsall. Dahil sa hindi pagbayad sa kanya ng city council sa loob ng apat na araw niya paghi-hiking. Sa galit ay pinagana niya ang kakayahan sa pagbuo ng “Stages of Rain Cycle” habang nakaharap sa San Diego Bay.