31.4 C
Manila
Sunday, September 8, 2024

ANG MISTERYO NG FLYING DUTCHMAN

Isa sa mga naging sikretong inspirasyon ng isang Scottish spiritualist na si Daniel Dungas Home ang kapitan ng ghost ship na tinatawag na ‘The Flying Dutchman’. Kung kaya, masigasig niyang pinag-aralan ang pagpapakadalubhasa bilang physical medium.

Ang nabanggit na kakayahan ni Home ay sadyang nakamamangha, kung saan ay kaya niyang lumutang sa iba’t ibang variety of heights, makipag-usap sa mga taong patay at kumatok sa bahay ng hindi nababatid ng mga nakatira roon.

Noong siya ay binatilyo noong taong 1845, mula sa Scotland at nagtungo sila ng kanyang tiyahin sa Amerika. Sila’y tumira sa Connecticut.  Noong 1855, sa edad na 22-anyos, naging sikat siya at nagtungo sa England. Sa nasabing bansa, doon ay nagsasagawa siya ng ‘hundreds of seances’ o pakikipagtalastasan sa espiritu ng mga namatay na. Lalo na sa mga naging bantog noong Victorian Period o nabuhay noong panahon ni Reyna Victoria ng Inglatera.

Noong sandaling nag-iisa siya noon sa isang silid, lihim siyang nakikipagtalastasan  sa espiritu ng yumaong kapitan ng barkong The Flying Dutchman. Ang misteryong bumabalot tungkol dito ay nananatiling palaisipan kung paanong nagawa iyon ni Home. Nakausap aniya ni Home ang kapitan noong Setyembre 23, 1855.

Napag-alaman niya na ang kapitan ay nagngangalang Henrik Vanderdecken at nagkuwento ito ng ilang pangyayari sa buhay niya sa barko kay Home. Noong naglalayag aniya ang barko pabalik sa Holland, nagkaroon ng bagyo sa laot. Hanggang sa ang paghahangad nilang makabalik ay nauwi sa pagkadismaya. Sa halip na manalangin na patigilin ang bagyo,namusong ang kapitan sa Diyos at isinumpang maglalayag siya hanggang sa araw ng paghuhukom.

Dahil dito, isinumpa aniya ng Diyos ang kapitan pati ang mga kasamahan nito sa barko. Na kahit patay na ay maglalayag pa rin sila.Ngunit, ang multo ng kapitan ay nananatili hanggang sa isang barko ang nakita niyang naglalakbay sa ruta ng Cape of Good Hope.

Binigyan niya ng sulat ang kapitan, kung saan ay hiniling niyang  ipanalangin niya sila upang mapatawad ng Diyos. Iyon ang huling pagkakataong nakita ang nasabing barko. Nabuo ang paniniwala sa mga manlalayag na bumabagtas sa Cape of Good Hope, na kung anomang barko at sinomang kapitan ang nagnanais na makita at makipagtalastasan sa The Flying Dutchman— ay masamang kapalaran ang sasapitin.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.