27.4 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

ANG MADUGONG RITWAL NG ‘BLACK MASS’

Hindi lahat ng isinagawang ‘mass’ o misa ay mabuti ang layunin. Isa na rito ang tinatawag na ‘Black Mass’.

Ano nga ba ang ‘Black Mass’? Ito ay isang maka-Satanistang ritwal na kabalintunaan ng sinasagawang misa ng simbahang Katoliko. Batay sa ilang datus na nakasaad sa kasaysayan, nagsimula ang nasabing masamang ritwal noong ika-13 o ika-14 na siglo.

Isinasagawa o idinadaos ang black mass sa iba’t-ibang deskripsyon. Subalit, iisa lamang ang layunin ng ritwal na ito— ang lapastanganin ang pangalan ang kabanalan ng Panginoong Diyos. Nagsimula ito bilang isang paganong ritwal, kung saan sinasamba ng mga sinaunang kulto ng mga mangkukulam ang isang dinidiyos na may sungay (horned god).

Dahil sa ang ritwal ay maky kaugnayan na Satanas, nagkaroon ng kampanya noon ang simbahang Katoliko na ‘Inquisition’ o witch hunt. Ang mga hinihinala o mapapatunayang mangkukulam ay pinarurusahan ng kamatayan.

Ang black mass ay karaniwang ginagawa tuwing kalagitnaan o kahit maghahating gabi, kung saan babasahin ng mga mananamba ni satanas ang isang Catholic missal kung saan nakalagay ang sermon ng pari sa isang papel. Pabaligtad ang pagbasa o papalitan lamang ang mga mahahalagang nakasulat na salita roon.

Halimbawa, kung ang nakasulat ay ‘God’, papalitan ito ng ‘Satan’; at kung good naman ang nakasulat, papalitan ito ng evil. Isang hubad na babaena babae ang ginagamit na altar sa black mass. Kung walang makuha o madukot na babae, kabaong ang pansamantalang gagamitin.

Ang matindi, tubig na may halong dugo, ihi at semilya ang ginagamit na Sacramental wine. Inaamag na singkamay o kaya’y dumi ng tao ang ginagamit na hostiya; na kanilang kinakain at ipinapahid sa mukha.

Kung papalaring makakuha ng sanggol ang mga nagsasagawa ng black mass, iaalay nila ito ng buhay kay Satanas. Ang ritwal ng pagsasagawa nito ay lalaslasin nila ang leeg nito at patutuluin ang dugo at sasahurin ng kopita  at pagpapasa-pasahang inumin ng mga deboto.

Ang pinakamasidhi o pinakatampok na seremonya sa black mass ay ang pagsasagawa ng sex orgies. Kung saan idinaraos ang makamundo at nakakahiyang imoralidad ng pakikipagtalik ng magkaibang sekso, lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae.

May ilang tala ng pagsasagawa ng black mass sa nakalipas na 20th century. Narito ang mga sumunod:

Noong 1942, isang black mass ang idinaos sa isang farm house sa Basque, Spain kung saan pitong katao ang inaresto ng otoridad na kinabibilangan ng 4 na lalaki at 3 babae. Inamin ng mga nasasakdal na sila’y mga satanista. Batay sa pahayag ng saksi, hubo’t-hubad na nagsagawa ng seremonyas ang pitong naaresto. Nagpakulo sila ng tubig at inilaga ang isang pusa at kanilang kinain.

Noong March 1963, anim na kaso ng grave desecration ang naiulat sa Clophill, Bedforshire, England. Kung saan, lumitaw ang isang kalansay na napag-alaman batay sa imbestigasyon na mula sa desecrated graves sa ibabaw ng altar ng simbahan ng St. Mary’s Church. Napag-alaman din na maraming krimen ang sangkot sa black mass dahil sa natuklasang inverted cross ang naka-drowing sa dingding ng naturang simbahan.

May naiulat na isang batang babae ang walang awing pinaslang sa bugbog habang idinaraos ang black mass. Ang kasong ito ay nangyari noong 1964 sa Switzerland.

Sa Warwickshire, England, may naiulat na insidente ng pagkawala ng mga alagag hayop ng mga residente roon noong 1968. Kadalasang nawawala ay mga aso’t pusa. Napag-alaman sa isang imbestigasyon na ang mga nabanggit na mga hayop ay ginamit ng isang grupo ng mga satanista bilang animal sacrifice sa kanilang isinasagawang black mass.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.