Itinuturing sa iba’t ibang kultura ang mga itlg bilang perfect magical symbol. Ang itlog ay sumasagisag sa bagong buhay o simulain.
Sa Western culture, itinuturing ang mga itlog bilang fertility symbol. Dito nagsimula ang tradisyon ng “Easter bunny” noong ika-16 na siglo.
Sa Chinese folk tale, ang itlog ay sumisimbolo sa pagsisimula ng universe. Sinasabi na ang buong sansinukob ay nagsimula bilang isang itlog na biniyak ng diyosang si Pan Gu. Mula rito ay lumabas ang lahat ng mga bagay na matatagpuan ngayon sa cosmos, kabilang ang planet Earth.
Marami ring magical belief ang nakaugnay sa itlog.
Ayon sa matandang paniniwala, kung ibig mong makilala ang iyong tunay na pag-ibig, mag-iwan ng isang itlog ng manok o pabo sa harap ng bahay sa gabing malakas ang ulan. Ang sinumang pumulot at magsauli ng itlog ay siya mong tadhana. Sa Ozark version, inilalaga ang itlog saka aalisin ang pula nito upang palitan ng asin, saka kakainin sa gabi bago matulog. Ang taong makikita sa panaginip na may dalang baso o timba ng tubig ang siyang makakatuluyan sa hinaharap.
May paniniwala ang mga manlalakbay na kung kakain ng nilagang itlog, tiyakin na durugin ang balat nito upang hindi masundan ng mga masasamang espiritu.
Sinasabi na dapat malimliman ng inahin ang kanilang mga itlog sa tuwing kabilugan ng buwan upang matiyak na ang lahat ng ito ay mapipisa ng maayos.
Ang itlog ng kuwago ay ipinapakain ng hilaw sa sinumang lulong sa alcohol upang mawala ang kanilang pagkasabik sa alak.
Upang maitaboy naman ang asuwang o masasamang espiritu sa tahanan, maghagis ng isang itlog sa bubong.