26.5 C
Manila
Monday, July 22, 2024

Ang kapalaran ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Aquarius para sa 2024

Sa taong ito, ang  mga ipinanganak sa zodiac sign na Aquarius ay  makakaranas ng pagbabago dahil ang mismong “keyword”  para sa kanila ay “Change”. Ibig sabihin, lahat ng kailangan magbago ay magbabago. Dapat nilang salubungin ang year  2024 at ang lahat ng mga araw  sa taong ito ng may masaya at magandang pananaw na ang pagbabago ay para sa ikagaganda at ikakabuti.

CAREER – Sa mga hindi sinasadya at kahit sa mga sinadya na  mamasukan sa mga hindi naman  magandang kumpanya, makakaranas sila ng matinding udyok ng buhay na  umalis o mag-resign. At para sa mga   labag sa loob na  lisanin ang kanilang  work kahit pa hirap sila ay ang mismong kapalaran na nila ang kikilos para magkaroon sila ng maganda trabaho o pagkakakitaan.

Para sa mga negosyante, sa taong ito, 2024, ang mga bagong business ay lalagay sa kanilang harapan na para bang  inaayaya sila na  ito na ang kanilang gawing hanap-buhay. Hindi sila magsisisi  dahil kung ano ang bago ay ang  mas maganda para sa kanila.

Para sa mga  mananatili sa kanilang negosyo ang inirerekomenda ay ang  baguhin ang ayos sa lugar ng negosyo at ang mga gamit ay dapat na bago rin.  Sa ganito sila ay susuwertihin.

LOVELIFE: Puwersahang  kikilos ang  kapalaran ng mga nasa Aquarius upang makatakas at makalaya sila sa mga pakikipagrelasyon na sila ay agrabyado.  At kahit magpilit pa sila, sa ngalan ng pag-ibig, hindi pa rin pwede ang ganu’n  dahil ang gusto ng langit ay ang mabago ang kanilang kalagayan.

Sa ganitong katotohanan, magdadatingan sa kanila ang mga bagong pag-ibig na kung saan ay may pangako ng  pagkakaroon nila ng tunay na kaligayahan at sarap ng buhay.

HEALTH: Para sa mga may karamdaman ang kagalingan ay mapapasakanila. Hindi sila pababayan ng kanilang kapalaran na manatili sa paghihirap ng dahil lang sa sakit .  

Kakaibang lakas din ang  madadama nila na ang lakas na nasabi ay magsisilbing panlaban nila sa masasamang elemento na pwedeng sumira sa kanilang kalusugan o katawan.

DAGDAG-KAALAMAN: Sa unang bahagi ng taong  2024, ang mga nasa Aquarius ay dadalawin ng iba’t ibang suwerte na parang mga mumunting bituin na nakakasilaw sa ganda. Sa kalagitnaan ng taong 2024, ang mumunting bituin na kanilang mga suwerte ay magiging  mga kasinlaki  ng Haring Araw na ang mga na paligid nila at maging ang mga lihim at lantad nilang mga kaaway  ay hindi makakapaniwala sa pagkamangha.

Sa huling mga buwan ng year  2024, pinapayuhan ang mga nasa Aquarius na maging masinop at maging mapagpahalaga sa mga suwerteng kanilang nakamtan. Inirerekomenda rin na magbigay o magkawanggawa sa mga kapos sa kapalaran. Sa mga pinabayaan sa lipunan. 

Maganda rin na  masunod nila ang Banal na Utos na “Dalawin ang mga ulila, balo at ang mga wala ng nagmalasakit.”  Dahil dito,  makibahagi sila sa mga gawaing ang layunin  ay tulad ng nasabi na na tulungan ang mga nasabi ibaba at mga kaawa-awa.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.