Tunay na napakahiwaga at masalimuot ng dream world. Lahat ng imposibleng bagay o pangyayari ay maaaring makita sa panaginip.
Ang panaginip ay isang normal na proseso na pinagdaraan ng utak ng isang tao habang siya ay natutulog. Katunayan, halos ikatlong bahagi (1/3) ng ating buhay ay inilalaan natin sa pagtulog. Samakatuwid, ang dream world ay bahagi ng ating existence.
Sa panaginip, maraming mga bagay ang nakapagbibigay sa atin ng bagabag o pagtataka sa kung ano ang kahulugan nito sa ating buhay. Ilan sa mga karaniwang simbolo sa panaginip ay ang “nakabitin” na tao o bagay.
Kung ikaw ay nakakita ng isang taong nakabitin ng patiwarik o nakabigti, palatandaan ito na isang malaking pagbabago ang naghihintay sa iyong buhay. Ito ay hindi masamang omen o pahiwatig, tulad na rin ng kahulugan ng Death Major Arcana Card. Sa halip ito ay nagsasaad na ikaw ay daraan sa yugto ng metamorphosis. Ang iyong buhay ay babaliktad!
Ikaw ikaw naman ang nakabitin ng patiwarik o nakabigti sa panaginip, sinasabi na handa ka nang talikuran ang isang parte sa iyong buhay na wala namang naidudulot sa iyong progreso. Tulad rin ito ng kahulugan ng The Hanged Man sa Tarot Deck.
Kung may nakita ka namang bagay na nakabitin o nakasabit sa puno o sa iba pang mga kakaibang lugar, pahiwatig ito na may isang taong nagbabantay sa lahat ng iyong kilos. Mag-ingat, sapagkat ang taong ito ay handang sirain ka sa anumang oras.
Patuloy lamang sumubaybay sa aking mga articles dito sa Kapangyarihan para sa iba pang mga pagbibigay pakahulugan ko sa ilang panaginip.