26.9 C
Manila
Monday, October 21, 2024

ANG CHINESE LUCKY COLOR

May mahalagang papel ang mga kulay sa Chinese culture. Ang ilan sa mga kulay ay simbolo ng malas at suwerte. May tatlong pangunahing kulay na sinasabing suwerte sa pang-araw-araw na pamumuhay.

  1. Red—Ito ay kulay para sa kasiyahan, tagumpay, at magandang kapalaran. Ang pula ay simbolo ng apoy at isa sa pinakapopular na kulay ng China. Katunayan, pula ang national color ng China dahil sa pinaniniwalang ito ay simbolo ng kasiyahan, kagandahan, kalakasan, magandang kapalaran, tagumpay, at suwerte. Masasabing Red is China and China is Red. Lahat ng mahahalagang okasyon o festival sa China ay kakikitaan ng kulay pula. Kapansin-pansin ang mga pulang parol o red lanterns na nakasabit sa lahat ng establishment at maging sa mga kabahayan. Ang double rows of red “Xi” (happiness) letters ay makikita ring nakadikit sa mga pintuan at gate. Ang mga tao ay nagsusuot ng kulay pula sa kasalan, at iba pang festival at celebration. Sa mga Tsino natin nakuha ang kaugalian na pagbibigay ng red envelope o Ampao na may lamang pera tuwing Bagong Taon.
  • Yellow—Ang kulay na ito ay sagisag ng karangalan at kapangyarihan sa trono. Ang dilaw ay nakalaan lamang para sa mga Emperor. Ang unang emperador ng China ay tinawag na Yellow Emperor. Katunayan, noong unang panahon, tinatawag ang China na “Yellow Earth” dahil na rin ang pangunahing ilog ng bansa ay Yellow River. Napakahalaga ng kulay dilaw sa mga sinaunang Tsino. Noong Song Dynasty (960-1279), ginagamit ang yellow glazed tiles sa pagtatayo ng imperial palaces. Noong Ming Dynasty (1368-1644) at Qing Dynasty (1636-1911), ang mga Emperador ay nakasuot ng Yellow imperial robes.  Sila ay sumasakay sa karwaheng kulay gilaw, at tumatahak sa daan na kinulayan ng dilaw. Ang official imperial flag ay kulay dilaw rin. Ang official seals ay hitik sa dilaw na tela. Kung pagmamasdan ang Forbidden City mula sa Beijing Jing Mountain, kapansin-pansin ang yellow glazed tile roofs. Sa Chinese Buddism, ang kulay dilaw ay simbolo ng kalayaan mula sa materyalismo. Ito ang dahilan kaya ang mga monghe ay nagsusuot ng yellow robes.
  • Green—Ito ang kulay ng pera, kayamanan, fertility, pag-asa, paglago, at pag-unlad. Ang kulay berde ay simbolo rin ng kadalisayan at kalinisan. Ang mga gusali, banko, at restaurants ay kalimitang napipinturahan ng kulay berde. Ang lalagyan o packaging ng gatas at iba pang produktong sariwa ay karaniwang kulay green bilang tanda na ito ay malinis o contamination-free.

Iba Pang Mahahalgang Kulay

        Alinsunod sa Chinese Five Elements Theory, ang limang elemento ng Earth ay may katumbas na kulay. Ang pula ay simbolo ng fire; dilaw ay Earth, puti ay metal, black ay water, at green (blue) ay wood.

  1. Blue–Ang kulay asul ay kombinasyon ng green o black.Ito ay sumisimbolo sa wood element at nakaugnay sa tagsibol o spring na may positibong kahulugan. Ang blue ay para sa healing, trust, at mahabang buhay. Ang shades of green/blue ay ginagamit na dekorasyon sa mga tahanan upang ma-attract ang mahabang buhay (longevity) at harmony.
  • Black—Ito ay nakaugnay sa water element at itinuturing na natural color sa Chinese culture dahil ito ang kulay ng kalangitan na sumisimbolo sa northern at western sky. Ang kulay itim ay simbolo rin ng immortality, karunungan, matibay na pundasyon, at kapangyarihan. Ito ang dahilan kaya kulay itim ang lahat ng government cars. Ang uniporme ng pulis ay kulay itim rin bilang tanda ng authority at control.
  • Gold—Ito ang kulay ng karangyaan at karangalan, kahalintulad ng paniniwalang Kanluranin. Ang kombinasyon ng gold at red ay karaniwang makikita sa mga mahahalagang pagtitipon. Paborito rin ng mga Tsino na gawing color combination ang gold at red sa kanilang mga packaging sapagkat ito ay suwerte.  

Mga Malas na Kulay

        Ang paghahalo ng mga kulay (mixing colors) ay may mahalagang kahulugan sa Chinese culture.

  1. White—Ang kulay na ito ay sumasagisag sa metal element at nakaugnay sa kamatayan at pagluluksa. Ito ang dahilan kaya nakaputi ang mga Tsino sa burol ng patay.
  • Green—Ang kulay na ito ay nagiging malas kung ito ay naiugnay sa infidelity. Ang lalaking nakasuot ng kulay green na sombrero ay pinaniniwalaang magkakaroon  ng taksil na asawa.
  • Black—Ito ay nagiging malas kung ito ay maiugnay sa kadiliman at sekreto. Ang salitang “mafia” ay nangangahulugang “black society” sa Chinese.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.