Tunay na makapangyarihan ang salita. Ang espirituwalidad at kapangyarihan ay nakahimalay sa kapangyarihan ng salita.
Ang bawat matter sa universe na bahagi ng macro cosmos ay magkakaugnay. Ang mga tao ay nagkakaugnay sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan.
Ang bawat katagang lumalabas sa ating bibig ay may kahulugan at katumbas na enerhiya. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagahang pakaingatan ang anumang salitang bibitawan. Bagama’t ang salita ay walang pisikal na kayarian, ang epekto nito maaaring magpabago ng emosyon at mag-iwan ng marka sa kaisipan.
Ang kapangyarihan ng salita ay maaaring maging positibo at negatibo. Ayon sa isinagawang pag-aaral, ang palagiang pagbibitaw ng mga magaganda o positibong pananalita ay may magandang epekto sa motivational center ng utak. Ngunit, ang mga negatibo at masasakit na salita ay nakapipigil sa utak na makalikha ng maraming neuro-chemicals na kailangan ng body system upang makaagapay sa stress.
Normal na reaksiyon ng utak ang mabahala at matakot. Ito ang nagsisilibing defense mechanism ng ating katawan upang umiwas sa anumang bagay na makapaminsala. Kung pananatilihin natin ang mga negatibong kaisipan sa ating utak at pamumutawiin natin ito sa ating mga bibig bilang negatibong salita, pinalalakas natin ang aktibidad ng fear center ng ating utak o ang amygdala na siyang sandhi upang ang stress-producing hormones ay dumaloy sa buo nating body system.
Ang stress-producing hormones na ito at ang neurotransmitters ang siyang dahilan upang ma-interrupt ang logic at reasoning processes sa ating utak.
Ayon sa librong “Words Can Change Your Brain” ni Dr. Andrew Newberg ng T. Jefferson University, sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga positibo at magagandang salita sa ating kaisipan, ini-stimulate nito ang frontal lobe activity ng ating utak. Ang area na ito ng utak ay nakaugnay sa specific language centers at direktang may kinalaman sa motor cortex na siyang responsible sa pagsasakatuparan ng iyong mga iniisip sa isang aksiyon. Ang kayarian ng thalamus ay magbabago alinsunod sa ating salita, kaisipan, at nararamdaman. Ang pag-unlad ng thalamus ay nakakaapekto ng pananaw natin sa buhay na siyang mahalaga upang makagawa tayo ng magandang realidad.
Simple lamang ang mensahe: manatili tayong positibo at ugaliin nating magsalita ng magaganda. Kung tayo ay nagba-vibrate sa mataas na frequency, ma-attract natin ang suwerte at mga pagpapalala ng universe!