28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

ANG APAT NA KALALAKIHANG NAKAKITA NG DUGONG BUMUBULWAK SA PADER

Bago pa man gulantangin ng insidenteng dumadaloy o bumubulwak ang dugo sa isang pader sa Jacksonville, Florida noong dekada 70, may una nang naiulat na mga kakatwang pangyayari gaya nito na nakasaad sa libro ng Ebla: “The Revelation of Archeology”.

Ang ilang serye ng pagpapakita ng mga dugong umaagos sa pader ay naging karanasan na ng apat na kalalakihan na hindi naniniwala kay Cristo. Naging kritiko rin sila sa mga nakasaad sa Bagong Tipan ng Biblia; at iginiit na ang kasaysayan ni Jesucristo ay isang huwad alamat at nanlilinlang sa sangkatauhan.

Alamin natin kung sinu-sino ang apat na kalalakihang ito at kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos na makakita ng dugong bumubulwak at umaagos sa  pader.

Una na rito ay si Ludwig Noack, isang German. Noong kaagahan ng ika-19 siglo, ipinasiya ni Noack na ang ebanghelyo ni Apostol Juan ay naisulat noong 60 A.D. Aniya, ang alagad mismo na minamahal ni Jesus ay si Judas Iscariote at hindi ang nasabing apostol.

Pagkaraan ng 10 araw, umagos sa pader o dingding ng kanyang bahay ang dugo na hindi niya alam kung papaanong nangyari at saan nanggaling. Ang dugo ay lumikha ng imahen o pigura ng isang lalaki, kung saan may butas ang gitna ang palad nito at ang butas ng tagiliran sa tadyang.

Si Joseph Ernest Renan naman na isang French ay isang kritiko na binabatikos ang muling pagkabuhay ni Lazario. Aniya, isang panlilinlang ito upang suhayan ang kakayahan ni Jesus na makagawa ng himala tulad ng pagbuhay sa isang namatay na gaya ni Lazaro. Ang nangyari, habang nakikipaglaro siya kasama ang kanyang anak at asong tuta, nakita niyang bumulwak at umagos sa pader ang dugo katabi ng junifer tree.

Nabagsakan ng sanga ng puno ang aso sa leeg na ikinamatay nito. Habang nakapuwesto sa lupa malapit sa pader ang tuta, pinapasok niya ang kanyang anak sa loob ng bahay upang hindi ito umiyak dahil inakala ng bata na nawalan lamang ng malay ang alagang tuta. Gayundin upang hindi ito matakot sa pagdaloy ng dugo sa pader ng kanilang bakuran.

Ang sumunod na nangyari’y ikinamangha ni Renan. Nagkamalay ang tuta pagkatapos madaluyan ng dugo mula sa pader. Natuyo rin ang dugo pagkalipas ng ilang oras. Dahil sa nangyari, nag-iba ang pananaw at paniniwala ni Renan.

Si Guztav Volkmar naman na isang Alemang teologo’y iginiit na ang Jesus sa kasaysayan ay hindi aniya nagpakilalang Mesiyas. Ang nangyari, bumulwak at umagos ang dugo sa isang pader sa likuran ng kanilag bahay. Nag-iwan ang dugo ng bakas o marka ng isang krus.

Ang panghuli ay ang philosopher na si Bruno Bauer na iginigiit na iginigiit na si Jesucristo ng Cristianismo ay hindi umano umiral. Naniniwala si Bauer na ang nagtaguyod ng sinaunang Cristianong kongregasyon ay sina Philo ng Seneca at mga Gnostiko.

Isang hapon, habang naglalakad siya’t napadaan sa pader ng Estoico, bumulwak ang dugo sa pader doon at tumama sa kanyag bibig. Kalaunan, nahirapan na siyang makapagsalita.

Sila ay pinatotohanan na ang Panginoong Jesus ay talagang umiral, nabuhay at Siyang pinakadakilang tao sa kasaysayan. Si Jesus ay nagtatag ng isang kongregasyon alinsunod sa kanyang pangalan ang katawagan. Nakagawa Siya ng mga himala’t kababalaghan sa tulong ng Amang Diyos. Inilihim sa kanila ang mga bagay na iyan sa nakalipas na 300 taon—upang hindi masira ang kanilang prinsipyo’t paninindigan,” pahayag ni Prof. John J. Bimson na isang archeologist nang nagsagawa ng pananaliksik sa pader ng Jerico noong 1981.

Aniya, ang pader na tinatawag ni Bauer na Estoico sa Toulosue ay tinunaw ng dugo na siyang kinasangkapan upang matigil na ang mali nilang paninindigan.

Ang karanasan nila’y naging inspirasyon naman ni Deke Houlgate upang gawin nito ang nobelang “ Blood On The Wall” na patungkol sa mga karerista.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.