26.1 C
Manila
Tuesday, July 23, 2024

ALAMIN ANG TAMANG PAGSUSUOT NG SINGSING UPANG MAPABUTI ANG IYONG BUHAY

Ang singsing ay isang uri ng jewelry na isinusuot bilang palamuti. Lingid sa karamihan, ang paraan ng pagsusuot ng singsing ay makatutulong sa ating buong pagkatao.

Ayon sa esoteric teaching, ang ating mga kamay at daliri ay nakaugnay sa iba’t ibang planeta at mga Diyos na pinaghaharian nito. Ang bawat planeta ay may nakaugnay na enerhiya na katumbas ng bawat daliri sa kamay.

Inisa-isa ng Californian-based psychic na kilala sa tawag na Wisdom Shankar ang mga nakaugnay na planeta sa bawat daliri. Ayon kay Shankar, isuot lamang ang singsing sa daliri ayon sa pangangailangan.

  1. Hinlalaki (thumb)—Ito ay konektado sa planetang Mars. Isuot ang singsing sa hinlalaki kung mahina ka sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan. Bibigyan ka nito ng sapat na kompiyansa sa sarili.
  • Hintuturo (index)—Ito ay konektado sa Saturn. Isuot ang singsing sa hintuturo kung kailangan mo ng focus at concentration sa isang bagay.
  • Palasingsingan (Ring finger)—ito ay konektado sa Araw. Isuot ang singsing sa palasingsingan upang magkaroon ka ng compassion sa lahat ng tao. Paghihilumin rin nito ang anumang masakit na alaala.
  • Hinliliit (little finger)—Ito ay konektado sa Mercury. Isuot ang singsing sa hinliit upang magkaroon ka ng malakas na intuition at mabuhay ang iyong pagiging malikhain.

Ayon naman sa Cosmic Cuts, may nakalaang batong hiyas o gemstone sa bawat daliri.

  1. Hinalalaki—garnet at carnelian.
  2. Hintuturo—amethyst at blue topaz
  3. Hinlalato—rose quartz
  4. Palasingsingan—moonstone, turquoise at jade
  5. Hinliliit—citrine

Ang bawat batong hiyas ay may katumbas na enerhiya na kailangan upang ma-boost ang isang aspeto kung saan ka mahina.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.