25.9 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

8 DAHILAN KUNG BAKIT KA NANANAGINIP, ALAMIN

At para matuto agad kayo kung paano i-interpret ang mga panaginip, tandaang may walong (8) sitwasyon o pangyayari kung bakit nanaginip at puwede rin nating sabihing “Eight Basic Rules” kung bakit nanaginip ang isang tao. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kapag “eager na eager”  kang makamit ang isang bagay, o atat na atat kang mangyari ang isang sitwasyon,  malamang na mapanaginipan mo ito.

Halimbawa 1: Mag-asawang matagal ng nagsasama pero walang anak. At dahil gustong-gusto nilang magka-anak, yong misis ng tahanan ay malamang na laging makapanaginip ng sanggol. 

Halimbawa 2: Gusto mong mag-aral pero mahirap lang kayo kaya hindi ka nakapag-aral o hindi ka na katapos sa kolehiyo. Dahil gustong-gusto mong mag-aral, makakapanaginip ka na nag-aaral ka na o nasa eskuwelahan ka.

2. Kapag consciously “dine-deny” mo ang isang bagay o ang isang tao o ang isang pangyayari o ang isang sitwasyon, malamang mapanaginipan mo ito o mapanaginipan mo siya.

Halimbawa: Nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng kaibigan mo. Pero nagkukunwari kang “hindi ka affected” ng pag-aaway nyo.  Malamang na mapanaginipan mo ang kaibigan mong ito. 

3. Kapag may kinakatakutan kang isang bagay o sitwasyon na malapit na malapit mo ng harapin kusang lalabas ito sa iyong panaginip sa pamamagitan ng  “archetypes”.

Halimbawa: Nag-a-apply ka sa abroad o sa trabaho. Mapapanaginipan mo ang sitwasyong na ini-interview ka na sa embassy o ng manager.  

4. Kapag may kinamumuhiang kang tao, galit na galit ka sa taong ito at gusto mo na siyang mawala sa buhay mo, malamang na mapanaginipan mo ang sitwasyong namamagitan sa inyong dalawa o ang mismong taong ito na kinamumuhian mo.

Halimbawa: May kaibigan kang naka-away at galit na galit ka sa kanya. Malamang na mapanaginipan mo siya.

5. Kapag may nawalang mahalagang bagay, halimbawang nawalan ka ng hanap-buhay, iniwan ka ng iyong asawa, nag-break kayo ng pinakamamahal mong girlfriend o boyfriend, bigla kang nasisante sa iyong trabaho at iba pang sitwasyong katulad nito, malamang sa kaparehong pangyayari mapapanagipan mo ang nasabing mga sitwasyon.

6. Kapag may “rites of passage” na magaganap sa iyong karanasan, malaking pagbabago sa “stages ng buhay mo”;  tulad ng pag-a-abroad, pag-aasawa, malapit ka ng grumadweyt ng high school  o ng college, malapit ka ng makapagtrabaho, at iba pang mga pagbabagong yayanig sa “moral value”mo o kaya’y magpapaguho sa “comfort zone” mo kasama na rito ang malubhang karamdaman, siguradong mananaginip ka ng kung ano-anong mga bagay na irerepresenta ng ibat-ibang uri  ng “archetypes”.

7. Kapag may napakabigat kang problema na hindi mo masolusyunan o kaya  nahahaharap ka sa isang pagdedesisyong nakasalalay ang personal achievement mo o nakasalalay dito ang kinabukasan ng iyong pamilya, malamang na mananaginip ka ng ibat-ibang uri ng “archetypes”.

8.Kapag ikaw ay may likas na kapangyarihang manghula. Malamang na makapanaginip ka ng mga “prophetic dreams”.

Ito ang mga panaginip kung saan, ipinapakita sa iyo ang “future” o “ang maaaring mangyari sa hinaharap”.

Ilang halimbawa nito ay matatagpuan sa Biblia, kung saan, ang mga “prophetic dreams” na ito ay nagawang i-interpret o mahusay na binigyang kahulugan at ipinaliwanag ni Jose at Daniel na, tulad ng nasabi na matatagpuan ito sa Biblia.

May mga pangyayari rin sa Biblia kung saan si Jacob mismo ang nanagainip ng “prophetic dream”. Ganito ang kuwento:

“Umalis si Jacob sa Berseba patungong Haran. Pagdating niya sa isang lugar, tumigil siya roon dahil lubog na ang araw, at doon pinalipas ang gabi. Kinuha niya ang isa sa mga bato roon at inunan, at nahiga siya para matulog. Nang natutulog na si Jacob, nanaginip siya na may nakatindig na hagdan sa lupa na abot-langit ang tuktok, at akyat-panaog doon ang mga anghel ng Diyos.” (Genesis 28: 10-12)

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.