Bawat isa sa atin ay may inner desire—love, romance, friendship, mahabang buhay, kagandahan, kapangyarihan, o mga materyal man na bagay.
Lahat ng iyan ay hindi imposibleng maganap o mag-manifest sa ating realidad. Magtiwala lamang sa kapangyarihan ng isipan.
- Unawain ang tunay na kagustuhan sa buhay. Tunay na pag-ibig ba? Kayamanan? Kapangyarihan? Matutong timbangin ang sarili kung alin sa mga ito ang tunay mong nais. Hindi puwedeng lahat gusto mong makuha sa isang iglap. Ang bawat bagay ay may panahon. Suriing mabuti ang sariling damdamin. Alin ba sa mga bagay na gusto mo sa buhay ang talagang gusto mo, hindi iyong dala lamang ng busgo ng damdamin. Sa sandaling mapagtanto mo na talaga kung alin at ano ang gusto mo sa buhay, mag-focus dito , at tandaan ang susunod na step.
- Magkaroon ng hindi matitinag na pananampalataya. Ngayong sigurado ka na sa gusto mo, magtiwala ka na ito ay mapapasaiyo sa mga darating na araw. Sabi nga sa Bible, magkaroon ka lamang ng kahit gatubil ng mustasa na pananampalataya, magagawa mong palipatin ang isang bundok. Totoo ang talata na iyon. Sa Science, partikular sa area ng Quantum Physics, lahat ng bagay o matter sa mundong ito ay mula lamang collective consciousness ng tao. Ang lahat ng bagay na mahahawakan, maaamoy, makikita (intangible) ay nagmula lamang sa isang ideya, na nagkaroon ng physical form. Ganoon din sa sistema ng pagma-manifest ng iyong desire sa buhay. Kailangan lamang ng matindi at hindi matitinag na paniniwala na ang iyong kagustuhan ay mapapasaiyo. Ngayon, sundin mo naman ang ikatlong step.
- Mag-focus sa iyong intention. Ngayong may 101% faith ka na makukuha mo ang iyong desire, mag-focus ka na dito. Hindi ka dapat pabago-bago. Mahalagang maging consistent ka sa iyong damdamin. Hindi manghihina ang iyong desire at panatilihin ang alab ng kagustuhan sa iyong puso. Ngayon, sundin ang step 4.
- Kumilos. Sabi nga, nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa. Tatandaan na tayo ay nabubuhay sa isang action-reaction based universe. Nakapaloob ito sa isa sa 12 Batas ng Universe—The Law of Cause and Effect. Bawat sanhi (action) ay may bunga (result). Buksan ang pinto ang oportunidad upang maganap ang iyong pinapangarap.
- Higit sa lahat, matutong maghintay. Maging realistic sa iyong goal. Sabi nga, lahat ng bagay ay nasa perfect timing. Hindi naman agad-agad na susulpot ang bagay na gusto mo. Matutong maghintay, at ito ay magma-manifest sa takdang panahon. Kasabihan na anumang bagay na minadali ay nahihilaw. Ibibigay sa iyo ang iyong kahilingan sa takdang panahon na handa na sa iyo ang pagkakataon upang hindi masayang ang biyayang ibibigay sa iyo.