Bahagi na ng Chinese culture ang Chinese Zodiac. Katunayan, kapag sinabing zodiac signs, kaagad itong nauugnay sa Chinese astrology. Ngunit ang katotohanan ay may dalawang uri ng astrology—ang Western at Chinese astrology.
Nakapaloob sa Western astrology ang mga 12 zodiac signs na Aries, Taurus, Gemini, at iba pa. Samantala, bahagi ng Chinese astrology ang animal zodiac. Katumbas ng 12 Western zodiac sign ang 12 Chinese animal signs.
Narito ang 10 amazing facts tungkol sa Chinese zodiac na makatutulong upang higit mong maunawaan ang siyensiya sa likod ng Chinese astrology.
- Ang Chinese zodiac ay may 12 signos. Hindi tulad ng constellations o mga bituwin, ang Chinese zodiac ay tumatalakay sa labindalawang espesyal na mga hayop. Ito ay ang Rat, Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, Snake, Horse, Goat, Monkey, Rooster, Dog, at Pig. Permanente ang pagkakaayos ng 12 hayop na ito alinsunod sa prinsipyo ng Chinese Yin and Yang Theory. Tulad ng Western zodiac sign, ang bawat Chinese animal signs ay may kani-kanilang karakter. Ang Yin o Yang ng bawat hayop ay naka-base sa bilang na “odd” o “even” ng kanilang mga claws (toes, hoofs). Ang mga hayop sa Chinese zodiac ay nakaayos alinsunod sa yin-yang sequence. Karaniwang ang mga hayop ay may magkatulad na bilang ng claws sa harap at likod ng kanilang mga binti. Ngunit, ang Rat (daga) ay may apat (4) na mga daliri sa fore legs at lima (5) sa hind legs.
Kagaya ng kasabihang, “ a thing is valued in proportion to its rarity”, ang Rat (Daga) ang siyang inilagay sa unahan ng 12 zodiac animal. Ito ay dahil taglay ng daga ang odd (Yang) at even (Yang). 4 + 5 = 9. Samakatuwid ay mas dominante ang Yang. Ang Rat ay Odd (Yang).
Narito ang pagkakasunud-sunod ng mga hayop sa zodiac, ayon sa bilang ng kanilang mga daliri.
Zodiac Animal | Toes Per Limb | Odd/Even | Yin/Yang |
Rat | 4 front; 5 back | (even and) odd | (yin and) yang |
Ox | 4 | even | yin |
Tiger | 5 | odd | yang |
Rabbit | 4 | even | yin |
Dragon | 5 | odd | yang |
Snake | 0 | even | yin |
Horse | 1 | odd | yang |
Goat | 4 | even | yin |
Monkey | 5 | odd | yang |
Rooster | 4 | even | yin |
Dog | 5 | odd | yang |
Pig | 4 | even | yin |
- Umuulit lamang ang cycle ng zodiac. Ang Chinese zodiac ay may 12-year cycle. Ang bawat taon ay sinasagisag ng 12 hayop. 2019 ay taon ng Baboy o Year of the Pig. Ang taon kung kailan ka ipinanganak ay magsasabi ng iyong zodiac animal sign.
Chinese Zodiac Years and Animals
Rat: 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020
Ox : 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021
Tiger: 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022
Rabbit: 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023
Dragon: 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024
Snake: 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, 2025
Horse: 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014, 2026
Goat: 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027
Monkey: 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016, 2028
Rooster: 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, 2029
Dog: 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018, 2030
Pig: 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, 2031
- Ang Chinese Zodiac ay hindi nagsisimula sa unang araw ng January. Karamihan ay naniniwala na ang Chinese zodiac year ay nagsisimula sa Chinese New Year’s Day na pumapatak sa pagitan ng late January at late February—ang unang araw sa Chinese Lunar Calendar. Ngunit naniniwala ang mga astrologers na ang Chinese New Year ay nagsisimula sa Panahon ng Tagsibol o Spring (February 4, 5, o 6) sa solar term. Ang mga taong ipinanganak sa buwan ng January o Februaray ay kinakailangang maging maingat sa pagpili ng kanilang signos.
- Ang Zodiac Birth Sign year ay unlucky. Dahil ang Chinese zodiac ay umuulit kada 12 taon, ang lahat ay ay may birth-sign year sa edad na 12, 24, 36, at iba pa. Sinasabing ang mga taong ipinanganak sa birth-sign year ay malas. Halimbawa, ang mga taong ipinanganak sa Year of the Dog ay kinakailangang maging maingat sa lahat ng aspeto ng kaniyang buhay—career, fortune, health, love sa Year of the Dog (2018, 2030, at 2042). Ayon sa ancient Chinese superstition, upang maiwasan ang bad luck ay kinakailangang gumamit o magsuot ng mga red items gaya ng underwear, medyas, red hair band/wristband, sombrero, at iba pa.