Taun taon ay gumagawa tayo ng new years resolution. Ito ay para sa ikauunlad natin at ikakabuti ng ating pagkatao. Lahat naman tayo ay gusto ng improvement. Gusto rin natin na huwag ng maulit ang mga nagawa nating pagkakamali nitong nakaraang taon at gayundin upang maiwasan na ang mga hindi magandang pangyayari na ating naranasan. Nakasanayan na natin ito. Parang nakakabit na sa ating sistema na kailangan natin palagi ang new years resolution. Pero natutupad ba? Siguro meron din namang nakakatupad pero karamihan ay hindi. Anu-ano nga ba ang mga new years resolutions na nahihirapan tayong tuparin? Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.
1.Diet & exercise
2.Savings
3.Work
4.Faithfulness
5.No more alcohol and cigarettes
Ano nga ba ang dapat nating gawin upang ang mga new years resolution na ito ay hindi na mapako at manatiling pangako? Para ma-achieve natin ito, isang salita ang hindi natin dapat kalimutan. Focus. Kailangan na nakafocus tayo sa kung anuman ang inilista natin sa new years resolution list. Dapat ding nakapaloob sa focus natin ang mga sumusunod.
1.Willingness- dapat ay nasa puso mo ang willingness na gawin ito. Hindi yung napipilitan ka lang dahil nakigaya ka lang sa new years resolution ng kaibigan mo.
2.Self motivation- dapat ay self motivated ka rin. Step by step ay alamin mo kung paano mo ito sisimulan at tatapusin.
3.Encouragement- Kailangan mo rin ito pero hindi naman kailangan na manggaling pa sa ibang tao. Dapat ay sa sarili mo pa lang ay naeencourage ka na, na gawin ang nais mo. Learn how to encourage yourself.
4.Inspiration- malaki ang maitutulong sa’yo ng pagkakaroon ng inspirasyon sa pagtupad mo sa iyong new years resolution. Dahil dito ay mapapadali at mapapagaan ang pag-achieve mo sa iyong goal.
Kung minsan nahihirapan talaga tayong tuparin ang ating new years resolution dahil hirap din tayong iwaksi ang ating nakasanayan. Pero kung ito ay seseryosohin, walang imposible.