23.7 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

TERATOMA

Nagdaan lang sa newsfeed ko ang tungkol sa sakit na ito. Hindi ko talaga ito alam. Pero sa mga nabasa ko, nagkainteres ako kaya gusto ko rin na maibahagi ito sa mga hindi pa nakakaalam. Nakakatakot pala kasi ang sakit na ito. Parang may pagka-traydor dahil hindi mo mamamalayan ang pagtubo niya sa katawan mo. Yung akala mo okay ka lang at wala kang sakit. Yung wala kang mararamdamang pain at wala kang ideya na may nadedevelop na pala na tumor sa loob ng katawan mo. Ito ay kalimitan daw na dumadapo sa bagong silang man o matatanda na, lalo na sa mga kababaihan. Tayo kasing mga babae ay sanay sa hindi magandang pakiramdam kapag tayo ay may buwanang dalaw. May nakakaramdam nang matinding pananakit ng puson at ng ulo. Meron namang dumaranas ng mood swings.Yung tipong pasan ang lahat ng galit sa mundo. At kung anu-ano pang mga sintomas ng ating pagreregla. Pero hindi pala tayo dapat makampante dahil hindi natin alam na hindi na lang pala basta sintoman ng pagreregla ang nararanasan natin kundi sintomas na ng ibang sakit. At ito na nga, isang sakit na hindi pamilyar sa’kin, ang teratoma.

Ni-research ko ang tungkol dito at nalaman ko na isa pala siyang tumor. Isang tumor na bihira lang subalit napakadelikado. Maaari itong tumubo saan mang bahagi ng ating katawan subalit kadalasan ito ay tumutubo sa ovaries, tailbone at testicles.  

May dalawang type ang teratoma. Ito ay ang mature at immature.

Mature- Ang mature na teratomas ay benign. (Hindi cancerous) Ito ay tinatawag ring dermoid cysts. Maari rin itong tumubo after surgically removed.

Immatue- Ang immature teratomas naman ay maaaring madevelop bilang malignant cancer.

Ang mga sintomas ng sakit na ito ay maaaring hindi mo mapansin dahil aakalain mo na ito ay mga pangkaraniwang pagsama lang ng pakiramdam. Ang mga sumusunod ay ang maaari mong maramdaman.

1.Pagsakit ng puson.

2.Mataas na lagnat.

3.Masakit na pag-ihi

4.Paninilaw ng balat

5.Hindi pangkaraniwang panlalamig ng pakiramdam.

6.Pagsusuka

Ilan lamang ang mga iyan sa mga sintomas na nabasa ko. Kaya upang makasiguro sa ating kalusugan, kahit wala pa tayong nararamdaman ay maglaan tayo ng oras na makapagpa-check up. Siguraduhin natin na maayos ang ating kalusugan dahil kung mapapabayaan natin ito ay maaari tayo nitong ihatid sa kamatayan.

Previous article
Next article

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.