28.1 C
Manila
Monday, October 21, 2024

PANAKIP BUTAS: Gumagana ba o Nagpapalala?

When you’re hurt, you’re hurt. You have to acknowledge that you are really hurt. There is no other way but to go through the pain. Maraming tao na kapag nasasaktan sila, gagawin ang lahat para lang makalimot at matakpan ang nararamdaman nila. Hindi lahat ay successful, pero yung iba, nakakahanap ng panakip butas.

Kung ikaw yung tipo ng tao na hindi nababakante dahil laging may ipapalit sa mga ex mo, basahin mo ang article na ito. Ngayon palang, sinasabi ko sayo na hindi tama kapag humahanap ka ng panakip butas. Read why!

1. Hindi mo binigyan ang sarili mo nang oras para mag-heal at mag-reflect

Ayaw mo na dumadaan sa pain dahil takot na takot kang makaramdam ng sakit. Hindi tama yan dahil hindi mo mae-experience yung pure joy dahil nakadepende ka sa bagong pagmamahal. Ang tanong, pagmamahal nga ba talaga yan? Kailangan maisip mo na nilalagay mo lang lalo ang sarili mo sa sitwasyon kung saan masasaktan ka lalo at makakasakit ka rin ng ibang tao. Mahihirapan ka lalo kapag hindi mo nakuha ang gusto mo dyan dahil lagi mo iniisip na ang pag-ibig ay sparks at fairytale. Oras na para gumising ka at mabuhay sa katotohanan. PAGDAANAN MO ANG SAKIT, FRIEND!

2. Nasasaktan mo ang panakip butas mo

Kahit gaano ka pa kinikilig sa kanya, tandaan mo na hindi puro kilig ang pagmamahal. Dapat umalis ka na sa thinking na puro happiness lang pag love. Magkakaroon at magkakaroon kayo ng problema at kailangan maging handa ka doon. Kung sasaktan mo lang ang panakip butas mo, itigil mo na agad yan, dahil baka siya ay handa nang mahalin ka, pero ikaw, humahanap lang ng pansamantalang saya.

3. Selfish ka

Sa love, pag selfish ka, marami kang expectations from other people. Kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo, mas nagiging frustrated ka at hurtful lalo. Minsan pa nagpe-play victim ka, pero ang totoo, ikaw ang nakakasakit sa ibang tao. Gusto mo lagi hindi ka nasasaktan. Tigilan mo na yan. Wala ka sa teleserye. Mabuhay ka sa totoong mundo. Maging selfless ka at aralin mo kung paano talaga magmahal.

4. Wala kang tiwala kay God

Hindi mo pinagkakatiwalaan si God na siya ang gagabay sayo sa lahat. Lagi mo siyang pinapangunahan at hindi mo siya hinahayaan na manguna sa buhay mo. Kapag lagi kang naka-depende sa sarili mo, mapupunta ka sa cycle na nasasaktan ka at nakakasakit ka.

5. Mas importante pa na may partner ka kaysa maging maayos na individual ka

Gusto mo laging nasa romantic relationship ka. Hindi mo naiisip na may mas mahalagang mga bagay pa sa mundo kaysa sa romantic love. Kailangan magising ka talaga at maisip mo dapat na kung hindi mo muna aayusin ang sarili mo, mas magiging frustrated ka lang in the long run.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.