27.7 C
Manila
Friday, September 13, 2024

Paano Makipag-date Matapos Makipaghiwalay

Kakayanin mo pa ba ang makipagdate matapos mong lumabas sa isang hindi magandang relasyon? Oo naman. Hindi naman ibig sabihin no’n ay handa ka na ulit masaktan. Makakatulong din sa’yo ang dating upang mabilis kang maka move on sa nakalipas. Hindi mo rin mahahanap ang true love kung hindi ka susugal ulit. Kailangan mong manalo sa pagkakataong ito pero kailangan mo rin maging matalino. Kaya ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa para malaman mo ang ilang mga payo tungkol dito.

1.Magkaroon ng positibong pag-iisip. Ang positibong isip ay nagdudulot ng positibong aksyon na magreresulta naman ng positibong bagay. Dapat mo itong gawing instruction kung gusto mo talaga na mabago ang lovelife mo.

2. Isipin mo ang mga gusto at ayaw mo sa iyong kapareha. Kung babalikan mo sa isip ang mga gusto at hindi mo gusto sa nagdaan mong karelasyon ay madali mo ng malalaman kung ano ba talaga ang gusto mo para sa future partner mo. Mahalaga kasing malaman mo kung ano talaga ang hinahanap mo upang hindi ka na magkamali sa susunod.

3. Hintayin mong gumaling ang sugat sa puso mo. Hindi ka dapat makipag date agad-agad kung dala dala mo pa ang bigat sa dibdib mo. Yung tipong tinetext mo pa ang ex mo kapag nalalasing ka o kaya naman ay iniiyakan mo pa rin siya sa gabi at iniistalk ang fb niya. Dapat mong masiguro na handa ka na para sa bago mong date.

4. Huwag kang magkukumpara. Hindi ito makakatulong sa’yo at sa bago mong date. Maaari mo siyang ma-offend. Hindi rin ito magdudulot ng magandang pakiramdam sa sarili mo dahil maaalala mo lang ang sakit na dapat mo ng kinakalimutan.

5. Huwag kang magmadali. Oo nga’t kailangan mo na siyang makalimutan, pero hindi mo kailangan madaliin ang sarili mo. Hindi mo rin kailangan madaliin ang ka-date mo papunta sa bagong relasyon. I-enjoy mo lang muna ang bawat sandali.

6. Bigyang pansin din ang ibang bagay. Bukod sa pakikipag-date, maglaan ka rin ng oras para sa ibang bagay na makakapagpalibang sa’yo. Tulad ng sports, at pakikipagbonding sa mga kaibigan. Nang sa gayon ay hindi ma-focus ang iyong atensyon sa pakikipagdate lang para ma-enjoy mo lang ito hanggang sa kusa itong magprogress.

7. Huwag agad umasa. Hindi ka dapat umasa agad-agad na ang next date mo ay magwowork at mas magiging maayos kaysa sa nagdaan mong relasyon. I-enjoy mo ang pagiging single mo at hayaan ang kapalaran na magsabi sa’yo kung siya na ba talaga o hindi. Mahirap masaktan pero mas mahirap ang umasa.

8. Iwasan mong ikuwento ang buong pangyayari kung paano ka nasaktan. Hindi story telling ang pakikipagdate kaya huwag mo ng ibroadcast pa ang malulungkot na sandali sa buhay mo. Baka ma turn off lang siya sa’yo. Mas magandang pag-usapan sa date ang magagandang bagay kaysa malungkot.

9. Magpakatotoo ka. Ipakita mo ang version mo ng pagiging totoo. Dito lalabas ang uniqueness mo. Huwag kang magpanggap. Hindi ka nakikipaglaro lang sa pakikipagdate kahit pa hindi pa naman ito seryoso.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.