28.7 C
Manila
Saturday, September 7, 2024

4 na Paraan Para Maiwasan ang Hiwalayan

Takot ka bang pumasok sa isang relasyon dahil takot ka sa posibilidad ng hiwalayan? Lalo na siguro kung kasal ang papasukin mo dahil mahirap itong labasan sa oras na magkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan. May mga paraan naman para maiwasan ang ganitong senaryo. Narito at unawain mong mabuti.

1.Maging cheerleader ka ng iyong asawa

Mukhang old school ang dating pag sinabing cheerleader. Pero isa itong mahalagang aspeto para sa inyong pagsasama. Kung may nais gawin ang iyong asawa na may kinalaman sa pagpapa-improve niya sa sarili o para sa inyong pamilya kailangan mong maipakita sa kanya ang iyong buong pusong pagsuporta. Kung sakali man na siya ay may pag-aalinlangan,ang dapat mong maging role ay voice-support. Sa oras naman na siya ay magkamali sa kanyang desisyon, dapat mo siyang i-encourage na sumubok muli at  tingnan ang positibong bagay. Ikaw ang kanyang magsisilbing shelter from storm. Hindi lang minsan kundi anytime. Umasa kang sa ganitong paraan mo ay mas maappreciate ka niya bilang kabiyak.

2.Hindi lahat ay makakaya niyang gawin

Ang asawa mo ay hindi perpektong tao tulad ng ideal man na nababasa mo sa pocketbook. Hindi rin siya ang man of every girls dream  na napapanood mo sa mga pelikua at telenobela. Siya ay iyong asawa na may mga katangian subalit may mga kakulangan rin. Dapat mong maintindihan na meron siyang kayang gawin para sa’yo at sa inyong pamilya at meron din siyang mga hindi kayang gawin. Sa  lalaki naman, dapat mong ilagay sa kukote mo na hindi si super woman ang iyong napangasawa kaya huwag mo siyang puwersahin sa mga bagay na hindi niya kayang gawin.

3.Ang kahinaan niya ay kalakasan mo

Sabi nila mas epektibo raw sa pagsasama ng mag-asawa na pareho kayo ng mga gusto, pareho kayo ng skills at halos pantay kayo sa lahat ng bagay, kadalasan ay dito pumapasok ang agawan ng kapangyarihan. Pero alam nyo ba na mas nagwowork ang relasyon kung ang kahinaan niya ay magiging kalakasan mo and vice versa. Dito ay nagkakatulungan kayo at hindi kayo tutumba ng sabay dahil magiging balance ang lahat.

4.Makipagtalik sa iyong asawa

Oo alam ko na talaga namang nakikipagtalik kayo sa inyong asawa dahil parte iyong ng inyong pagsasama. Pero naisip mo na ba kung paano mo mapapanatili ang init at interes niya sa pakikipagsex sa’yo? Hindi mo dapat ito balewalain. Kailangan na laging may thrill ang bawat sandali ng inyong love making para hindi siya mawalan ng interes sa’yo at ma-excite sa iba.

Sana ay nakatulong sa inyo ang mga simpleng paraan na ito para hindi nyo maranasan ang sakit ng hiwalayan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.