Kakatapos lang ng kasal ninyo ng asawa mo at napakarami ninyo na nagastos. Pero syempre, sa lahat ng bagong kasal, hindi pwedeng mawala ang honeymoon. Kung hindi mo alam ang gagawin mo para sa planning ng honeymoon ninyo, read on.
Para sa iba, nakaka-stress ang pagplano ng mga vacation trips. Pero it shouldn’t be the case lalo kung honeymoon. Kung first time mo magplano ng vacation at newly wed ka, basahin ang article na ito.
1. Do the planning together
Mas masaya mag-plano kung magkasama kayo mag-partner dito. Set an informal meeting kung saan ililist ninyo lahat ng gusto ninyo. Mas maganda na gawin ninyo ang planning bago pa kayo ikasal, nang sa gayon ay hindi kayo ma-stress lalo pagkatapos ng kasal ninyo.
2. Mag-simulang mag-book ng flight at hotel ng maaga para makuha ang best prices
Mas mura ang deals kapag mas maaga kayo magbu-book sa kahit saan, mapa-flight man o mapa-hotel room.
3. Huwag kopyahin ang itinerary ng ibang couples
Iba ang hilig ninyo as a couple kaya huwag na kayo kumopya sa ibang tao. Mas masaya kung kayo ang gagawa nang sarili ninyong itinerary.
4. Maging specific sa gusto mo
Mas maganda na alamin ninyo talaga ang adventure na gusto ninyong tahakin para hindi kayo ma-bore sa honeymoon ninyo. Sa ganitong way, mas exciting at may i-lu-look forward kayo.
5. Huwag mag-rely sa web research
Mas masaya kung maging spontaneous din ang travel ninyo. Kapag masyado ka naka-depende online, hindi mo rin ma-aappreciate masyado ang bagong lugar na pupuntahan ninyo.
6. Mas masaya pag nag “Do-It-Yourself” (DIY) travel ka
Kapag nag-DIY kayo ng travel, mapipili ninyo talaga yung gusto ninyo at mas makakatipid pa kayo.
7. Mag-set aside ng budget para sa Honeymoon ninyo
Huwag maliitin ang honeymoon dahil kapag hindi pinlano, mas mapapagastos kayo.
8. Maging maingat sa hidden costs
Always check with your hotel reservation kung may hidden costs kayo na babayaran. Mas maganda na pag naging sigurado kayo.
9. Huwag i-set ang honeymoon pagkatapos ng kasal agad
Give yourselves time to rest after your wedding.
10. I-balanse ang adventure sa relaxation
Huwag puro adventure ang gawin, give yourselves time to relax too.
11. I-research ang mga bawal at pwede sa lugar na pupuntahan
Pag-handaan ito ng mabuti para hindi kayo mabigla once nandun na kayo sa lugar na iyon.
12. Mag-schedule na hindi sakto sa holidays
Kapag peak season, mas maraming tao sa mga vacation spots kaya mas maganda na mag-schedule kapag hindi holidays kung gusto ninyo ng peaceful honeymoon.
13. Mag-research ng reviews online
Maganda rin na tingnan ang mga review ng ibang tao sa mga lugar na pupuntahan ninyo pampabawas sa stress.
14. Sabihan ang hotel agad kapag may special requests kayo
Maging honest lang para hindi kayo ma-hassle pag darating na kayo.
15. Add spontaneity sa travel ninyo
At the end of the day, remember that this honeymoon is all about you and your partner. So ang last na maipapayo ko ay, enjoy and relax with your partner!