Ang soy ay tumutukoy sa mga pagkain na gawa mula sa soybeans gaya ng soy milk, cheese, yogurt, tofu, ice cream at iba pa. Sa Asia unang naging popular ang pagkain ng soy. May kung ilang daang taon na nila itong tinatangkilik pero sa Amerika ay kailan lang ito naging popular.
Ang soy ay mayaman sa protein, vitamins and minerals gaya ng calcium and iron, zinc, phosphorus, magnesium, B-vitamins, omega 3 fatty acids and fiber. May taglay din itong heart-healthy fat at mababa sa saturated fat. Pero ang talagang tumawag ng pansin ng mga scientists ay ang natuklasan may ilang taon na ang nakakaraan na phytochemicals na matatagpuan sa soy. Ilan sa napatunayang health benefits ng soy ang mga sumusunod:
Bone health
Maiiwasan ang osteoporosis kung regular na kakain ng soy. Ayon sa pag-aaral, may malaking kinalaman ang soy isoflavones para mapigilan ang pagrupok ng buto. Natuklasan din na ang protinang taglay ng soy ay nakakapigil sa pagkawala ng calcium mula sa buto habang ang diet na mataas sa animal protein ay nakapagpapawala ng calcium sa buto sa pamamagitan ng ihi. Ugaliing uminom ng soy milk at kumain ng tofu na mayaman sa calcium.
Menopausal symptoms
Natuklasan sa pag-aaral na ang mga kababaihan sa Asia ay hindi gaanong nakakaranas ng hot flushes and night sweats kumpara sa Western women. Ang hot flushes at night sweats ay ilan lamang sa mga sintomas na dinaranas ng mga nagme-menopause sanhi ng mababang estrogen levels. Ang estrogens ay may mahalagang papel sa pagkontrol ng temperatura ng ating katawan. Ang isoflavones na matatagpuan sa soy ay may tila estrogen-like effect na kumokontrol sa mga sintomas ng menopausal partikular ang hot flushes.
Heart health
Sa mga bansa na laganap ang pagkain ng soy, natuklasan na mababa ang rates ng cardiovascular diseases. Ayon sa research ang soy ay tumutulong para mapigilan ang heart disease sa pamamagitan ng pagbawas sa total cholesterol, low density lipoprotein cholesterol at pinipigilan din nito ang plaque buildup sa arteries, na nagiging dahilan ng stroke or heart attack. Ang mga health benefits na ito ay dahil sa soy isoflavones and saponins na matatagpuan sa soy. Ang soy isoflavone genistein ay nakakapagdagdag sa flexibility of blood vessels habang ang saponins ay nakakapagpabawas sa bad cholesterol.
Cancer prevention
Napatunayan sa maraming pag-aaral na ang regular na pagkain ng soy foods ay pumipigil sa hormone related cancers gaya ng breast cancer, prostate cancer and colon cancer. Ayon sa Chinese study ang regular na pagkain ng soy ng mga cancer patients ay pumipigil sa posibilidad na bumalik ang breast cancer.