27.4 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

Mabisang Pampapayat: Keto Diet

Isa sa mga trending na diet sa ngayon ang Keto, o ketogenic diet, dahil sa mabilisan at magandang epekto nito sa kalusugan ng katawan at pagpapababa ng timbang. Sa sobrang bisa nito, pati mga artista tulad nina Kim Kardashian, Lebron James, at Vanessa Hudgens ay gumagawa nito. Ito rin ang diet na sinunod ni Billy Crawford nung sya ay nagpapayat kung saan 30 pounds ang nalagas sa kanyang timbang!

Ano nga ba ang keto diet? Ito ay isang low-carb, high-fat, at high-protein na diet. Ang pagbabawas ng carbs ay magdudulot ng ketosis, o isang metabollic state ng katawan na magreresulta sa pagsusunog ng taba para sa enerhiya. Dahil ang taba ng katawan ang ginagamit nito, syempre ang epekto nito ay ang pagbawas ng bilbil at timbang mo.

Ang maganda sa keto diet ay hinding hindi ka magugutom habang sinusunod ito. Puwede ka kumain ng karne tulad ng baboy, baka, at manok. Syempre, mainam pa rin na piliin ang masustansyang parte ng karne (laman kumpara sa taba at balat), at mga luto tulad ng sinabawan kumpara sa prito. Ang isda at lamang dagat ay pwede rin kainin, pero mas maganda ang mga isda tulad ng salmon at tuna kumpara sa matabang isda tulad ng tilapia. 

Mainam din kumain ng maraming gulay tulad ng spinach, lettuce, cabbage, celery, cucumber, broccoli, at avocado. In short, puwedeng puwede ka mag salad! Bawasan lamang ang paggamit ng high fat dressing tulad ng nabibili sa groceries. Kung gusto mo, palitan ito ng vinaigrette dressing gawa ang olive oil, vinegar, lemon, garlic, salt, at pepper. 

Ang dairy products tulad ng itlog, cheese, yogurt, at gatas ay puwede rin ikonsumo sa keto diet. Siguraduhin lamang na hindi sobra sobra ang pagkain nito, sapagkat pwede itong magdulot ng digestive problems. Para sa snacks, pwede kang kumain ng nuts at seeds. Paborito ko ang sunflower seeds at butong pakwan, pero pwede rin ang walnuts at almonds. Para naman sa peanuts, pwede mo ito kainin pero hindi sobra dahil mataas ang carbs nito. 

Sa kabilang dako, kailangan naman iwasan ang matatamis at mga pagkain at inumin na may processed sugar tulad ng softdrink, juice, candy, cake, at icecream. Ang mga natural sugar tulad ng mga prutas na mansanas, orange, saging, at mangga ay dapat din iwasan hangga’t maari. Kasama rin ang mga starch-based na pagkain tulad ng pasta, cereal, tinapay at rice (white at brown). Kung hindi mo agad ito kayang tigilan, puwede namang bawasan muna ang iyong konsumpsyon hanggang sa tuluyang matanggal sa iyong pagkain. Bukod pa riyan, ang ang mga root crop tulad ng kamote, cassava, patatas, ube, carrots, singkamas, at gabi ay mataas din sa starch. Siyempre, kailangan rin iwasan ang unhealthy fats tulad ng canola oil, mayonnaise, at mga deep-fried na pagkain. Ang pag-inom ng alcohol ay dapat rin iwasan hangga’t maaari.

Bukod sa nakababawas sa timbang, ang keto diet ay nakakatulong din sa pag-bawas ng iyong cravings. Mas madaling i-maintain at tuluyang lumipat sa healthy lifestyle sapagkat mapipigilan ang pagkasabik mo sa matatamis na pagkain at inumin. Habang tumatagal at nasasanay ang iyong katawan, hindi ka na rin masyadong makakaramdam ng gutom at mababawasan ang boredom snacking.

Nakakatulong din ito upang mapababa ang blood sugar level at insulin production ng katawan na makatutulong upang pigilan ang diabetes. Bukod pa riyan, epektibo din ito sa pagpapaganda ng iyong balat at kutis. Ang pagbabawas ng sugar ay makakabawas ng pimples, pamumula ng balat, dry skin, at maging inflammation. Dahil sa pag-iwas sa pagkonsumo ng bad fat (tulad ng chicharon, balut, at tsokolate) at paglipat sa good fat (tulad ng avocado at coconut oil), asahang bababa rin ang iyong blood pressure. 

Ang Keto diet ay itinuturing ng mga nutritionist bilang isang healthy diet sapagkat hindi mo kailangan gutumin ang sarili habang sinusunod ito. Subalit, kahit na ito ay puwedeng subukan ninuman, mas mainam pa rin na magtanong at kumonsulta muna sa iyong doktor para makasigurado na wala itong masamang side effect, lalo na kung ikaw ay mayroon nang iniinda na mga karamdaman. 

Bukod pa riyan, hindi rin ito pangmatagalan na diet. Anim na buwan hanggang isang taon lamang ang inirerekumendang panahon ng pagdiyeta. Matapos ito, mahalagang pumili na at bumalik sa tamang uri ng pagkain para mapanatiling malusog ang inyong pangangatawan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.