30 C
Manila
Saturday, September 7, 2024

INGATAN ANG ATING KIDNEY UPANG MAKAIWAS SA DIALYSIS

NI RIDA FLORES

Si Lola Ningning ay may schedule ng tatlong beses sa isang lingo ng dialysis. May diabetes kasi siya. Isa sa naapektuhan ng sakit niyang diabetes ay ang kaniyang kidney o bato. Siya ay 74 years old. At may tatlong anak na lalaki. Mabuti na lang at may maayos na trabaho ang kanyang tatlong anak at may pention silang mag-asawa na natatangap. Sa tuwinang ako ay dadalaw kay Lola Ningning ay may kung anong kurot sa puso akong nararamdaman dahil may ideya sa aking isipan kung paano ang proseso ng ng dialysis. Mahina na ang kaniyang katawan pero ang utak niya ay matalas pa din. Bed ridden na siya. Pero bilib ako sa tatag ni Lola Ningning. Fighter talaga siya. Sa 2 taon na siya ay dina-dialysis ay hindi ko siya nakitaan ng pagsuko. Nito lang nakaraang lingo dulot ng kumplikasyon ng dialysis dahil sa sakit na diabetes ay pinutol na ang kaniyang kanang paa. Minsan sa punto ng buhay niya ngayon ay naitanong niya sa Diyos kung bakit niya kailangan pagdaanan ang ganitong paghihirap. Aminado naman siya na naging pabaya siya sa kalusugan niya nung siya ay mid 50’s niya dahilan kung bakit siya ay nagkadiabetes.

Hindi siya sinunod lahat ang payo ng doctor. At hindi rin siya umiwas sa lahat ng bawal na pagkain. Sa bawat turok ng karayom ay tinitiis niya dahil alam niya na inilalaban siya ng mga anak niya. Sabi nga niya kung maibabalik lang ang panahon ay magiging maingat na siya sa lahat ng kinakain niya. Ang dialysis ay isang medical na proseso na magastos kahit alam natin na may programa ang gobyerno (PHILHEALTH) . Kung gaano ang pisikal na sakit na nararamdman ng pasyente ganun din marahil at doble pa siguro ang sakit na nararamdaman ng kanilang mahal sa buhay. Maging maingat tayo sa kalusugan natin. Huwag nating hayaan na lumala ang pa diabetes upang maiwasan ang dialysis. Huwag nating hayaan na ang perang ating pinagtrabahuhan ay magagamit din natin sa pagpapagamot. Napakasarap isipin na sa ating pagtanda ay ay relax na lang tayo at walang iniiintinding problema. Marami ng pamamaraan sa panahon ngayon upang maaga nating malaman kung tayo ay may diabetes na. At kung may lahi ang ating pamilya ng ganitong sakit ay higit lalo tayo na maging aware at maingat.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.