Ang carrots ay isa sa widely used at enjoyed vegetables sa mundo dahil madali itong tumubo sa kungsaan-saan. Versatile din ito at maaaring gawing sangkap sa maraming putahe. Ang mga sumusunod ay ang health benefits ng carrots:
IMPROVES VISION
Mayaman ang carrots sa beta-carotene na naco-convert sa Vitamin A sa liver. Ang vitamin A ay nata-transform sa retina bilang rhodopsin, purple pigment na kailangan para sa night vision.
Napatunayan din na ang beta-carotene ay nagbibigay proteksyon laban sa macular degeneration at senile cataracts.
HELPS PREVENT CANCER
Ayon sa mga pag-aaral, ang carrots ay nakaka-reduce ng risk ng lung cancer, breast cancer, at colon cancer.
HELPS PREVENT INFECTION
Pinaniniwalaan ng mga herbalists na ang carrots ay nakakatulong sa pagpe-prevent ng infection. Maaari itong gamitin sa mga sugat—shredded, raw or boiled and mashed.
PREVENTS HEART DISEASE
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga diet na mataas sa carotenoids ay associated sa lower risk ng heart disease. Hindi lamang beta-carotene mayroon ang carrots, mayroon din itong alpha-carotene at lutein.
Ang regular na pagkain ng carrots ay nakakapag-reduce ng cholesterol levels dahil ang soluble fiber ng carrots ay humahalo sa bile acids.
LOWERS BLOOD PRESSURE
Mayaman ang carrots sa potassium na isang vasodilator, na nakaka-relax ng tension sa blood vessels at arteries na nagi-increase ng blood flow at circulation na nakakatulong sa pagbo-boost ng organ function sa buong katawan at nagre-reduce ng stress sa cardiovascular system. Ang high blood pressure ay directly linked sa atherosclerosis, strokes at heart attack. Ang coumarin na matatagpuan sa carrots ay nakakapag-reduce ng hypertension at pinoprotektahan ang puso.
BOOST IMMUNITY
Ang carrots ay mayroong antiseptic at antibacterial abilities kaya ginagawa silang ideal sa pagbo-boost ng immune system. Bukod dito, mayaman din ito sa vitamin C na nakakapag-stimulate ng activity ng white blood cells at isa ito sa importanteng elements sa human immune system.
CLEANSES THE BODY
Ang vitamin A ay ina-assist ang liver sa pagpa-flush out ng toxins mula sa katawan. Nire-reduce nito ang bile at fat mula sa liver. Ang fiber na present sa carrots ay tumutulong para linisin ang colon at pinabibilis ang waste movement.
CONTROL DIABETES
Ang carrots ay mabisang pang regulate ng blood sugar dahil sa presence ng carotenoids. Ang carotenoids ay inversely nakakaapekto sa insulin resistance kaya nagagawa nitong pababain ang blood sugar kaya nakakatulong ito sa diabetics na magkaroon ng normal, healthy life. NIre-regulate din nito ang amount ng insulin at glucose na ginagamit at mine-metabolize ng katawan na nagbibigay ng healthy fluctuations sa diabetics
PROTECTS TEETH AND GUMS
Nililinis ng carrots ang iyong ngipin at bibig. Inaalis nito ang plaque at food particles tulad ng toothbrush at toothpaste. Inii-stimulate ng carrots ang gums at nagti-trigger ng maraming laway na dahil alkaline ay binabalanse ang acid-forming, cavity-forming bacteria. Ang minerals sa carrots ay nakaka-prevent ng tooth damage.
PREVENTS STROKE
Ayon sa isang Harvard University study, ang mga taong kumakain ng lima o higit pang carrots kada-linggo ay less likely na magkaroon ng stroke kumpara sa mga kumakain ng isang carrot bawat buwan.