Ilang diabetic na ang natanong ko kung anong klaseng diabetes meron sila: Type 1 ba o Type 2? Ang karaniwang sagot nila sa akin ay ewan ko. Basta ang alam nila ay diabetic sila at umiinom sila ng Metformin at iba pang gamot para ma-regulate ang kanilang blood sugar. ‘Yung iba naman, nagsasaksak na ng insulin.
Matagal ko nang nababasa ang tungkol sa dalawang klase ng diabetes dahil kadalasan ay lumalabas sila sa newsfeed ko kapag nagsi-search ako sa Google. Lumalabas rin sila sa newsfeed ko sa Facebook dahil isa sa mga topic na isinagot ko sa FB sa survey nila kung ano ang mga gusto kong makita sa NF ko, ay about Health.
Sa artikulong ito ay bibigyang liwanag natin ang katangian ng apat na level ng diabetes upang maunawaan ng may sakit nito kung saang estado ng diabetes na ba siya naroon nang sa gayon ay magkaroon siya ng gabay kung paano ito lalabanan o kung paano ma-maintain ang tamang sugar level.
May apat na level ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar na iniuugnay sa diabetes. At matapos mong mabasa ang artikulong ito ay magkakaroon ka na ng idea kung saang level ka ng diabetes kabilang.
- Prediabetes – ang blood sugar nito ay mataas na sa normal pero hindi pa umabot sa Type 1 o Type 2. Ang blood sugar level nito ay mula sa 100 to 125 mg/dL (5.6 to 7.0 mmol/L) at ang OGGT (Oral Glucose Tolerance Test), ay 140 and 199 mg/dL (7.8 mmol/L and 11.0 mmol/L. Ito ay sinasabing nasa boarder line pero hindi pa kinokonsidera na isang diabetic. Kung maaagapan at mag-iingat ang prediabetes ay maaari pang ma-reverse.
- Type 1 Diabetes – Ito ang estado na wala ng kakayahan na mag-produce ng insulin ang lapay o pancreas at ito ang pinaka-seryosong level dahil kinakailangan nang magsaksak ng insulin ang may katawan. Ang insulin ay isang hormone na responsable para gawing enerhiya ang glucose na na mula sa carbohydrates na kinain natin. Dahil wala nang kakayahang lumikha ng insulin ang pancreas ng isang Type 1 Diabetic, kinakailangan na nitong magsaksak ng insulin, bukod sa gamot na pampa-regulate ng blood sugar, upang magawang maitulak ang glucose sa mga selyula ng ating katawan at magamit iyon bilang enerhiya. Ito ang pinaka-seryosong level ng diabetes at kung hindi maiingatan at magagamot ay kaagad na tatamaan ng mga komplikasyon.
- Type 2 Diabetes – ang lapay ay nakapag-produce pa ng insulin bagama’t hindi sapat para mapalakas ang lahat ng mga selyula ng ating mga katawan. Sa puntong ito, ang isang Type 2 diabetic ay kailangan nang uminom ng pampa-regulate ng blood sugar. Ang Type 2 Diabetes ay may lesser risk kesa Type 1 Diabetes. At kung magiging maingat ang mayroon nito ay maaari rin itong ma-reverse sa pamamagitan ng ehersisyo at tamang pagkain.
- Gestational Diabetes – ang kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga buntis. Tumataas ang blood sugar nila habang nagdadalang-tao sila at bumabalik sa dati kapag nakapanganak na. Ang tanging dahilan nito ayon sa mga eksperto ay ang pagkakaroon ng pagbabago sa hormone ng isang babae kapag nagbubuntis.
Kinakailangang mag-pacheck up ng kanyang insulin tolerance ang isang buntis, sa pagsapit niya ng ika-anim na buwan upang mapangalagaan ang kalagayan ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Ang karaniwang epekto ng isang mayroong gestational diabetes ay ang mga sumusunod.
- Makapanganak nang maaga (premature birth)
- Masyadong lumaki ang bata sa sinapupunan
- Pagkakaroon ng breathing problem
- Jaundice o paninilaw ng bata
- Pagkakaroon ng calcium at glucose defciency ng bata.
Anumang level ng diabetes meron ang tao, laging pakatandaan na ang pagkain ay may mahalagang papel para sa ating kagalingan. Ang pagkain ng tama ay maaaring makagaling o makabawas sa risk factor nito.