Ang diabetes ay pang-anim sa mga nakakamatay na sakit. Subalit kung pagbabasehan kung ilang tao ang apektado ng mga nakakamatay na sakit sa buong mundo, ang diabetes ang nangunguna sa pinakamaraming tinamaan. Ayon sa pagsasaliksik na ginawa ng https://www.diabetes.co.uk tinatayang may 415 na milyong tao ang may sakit na diabetes sa buong mundo at inaasahan na sa taong 2040 ay sasampa ito sa 642 milyon. Ito ang nagbunsod sa akin para magsulat ng artikulo tungkol dito, upang palawakin ang ating kaalaman sa sakit na ito na maituturing natin na ‘trending’ dahil majority ng mga kakilala natin, kaibigan o kapamilya, ay ito ang sakit.
Ang nakakabahala pa, hindi lamang mga matatanda ang tinatamaan nito ngayon, kungdi pati na rin ang mga bata. Nakakalungkot, hindi ba? Isipin natin kung ang anak natin o apo ay mayroon ng diabetes sa kanyang murang idad, parang ang hirap tanggapin. Marahil, ito ang epekto ng pag-unlad ng mundo at pagsusulputan ng iba’t-ibang klase ng pagkain at mga negosyante sa food business na nagbibigay sa mga tao ng kalantaran sa napakaraming pagkain na nagbunsod para maging unhealthy na sila sa pagpili ng kakainin. (Basahin ang mga nauna kong artikulo hinggil sa mga ito)
Ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng diabetes ang isang tao?
May isang parte ng ating katawan ang matatagpuan sa ating tiyan na tinatawag na lapay o pancreas sa ingles. Ang lapay at responsable sa pagpo-produce ng insulin na kailangan para ipakalat ang glucose o sugar sa mga selyula ng ating katawan upang magamit natin bilang enerhiya (energy). Kailangan ng ating body cells ang energy para sa iba’t-ibang gawain ng ating body organs at body system.Â
Ang diabetes ay mag-uugat kapag nagkaroon na ng insulin resistance ang ating katawan. Ang insulin resistance ay may dalawang klase.Â
- Una, ang lubusang kawalan ng kapasidad ng pancreas na magpalabas ng insulin homones sapagkat sinisira mismo ng anti-bodies sa ating katawan ang selyula ng pancreas. Nangyayari ito dahil nakukulangan ng sustansiya at enzymes ang ating lapay.Â
- Pangalawa ay nakakagawa pa rin ng insulin ang ating lapay subalit hindi ito sapat upang madala sa selyula ng dugo ang glucose na naipon ng katawan at magamit bilang enerhiya.Â
Kapag may insulin resistance, ang glucose na hindi na-convert bilang energy ay naiiwan lamang sa dugo na nagiging sanhi ng paglapot nito. Nagpapahina rin ito ng iba pang body organs at body system, dahil sa kakulangan ng enerhiya (energy). Ang enerhiya ay kailangan ng ating metabolismo, panunaw, mga kalamnan, pisikal at mental na gawain. Ito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng diabetes na ang pangunahing sintomas ay ang pagtaas ng bood sugar at blood glucose. Na kung hindi maaagapan ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon sa iba pang body organ.
Ayon sa mga dalubhasa, ang ating dugo ay dapat lamang na kasinglabnaw ng tubig. Inyong isipin, ang isang basong tubig na nilagyan ninyo ng isang basong asukal. Hindi ba mababago na ang consistency nito? Medyo lalapot na at kung padadadaanin na ito sa ating mga ugat, ay babagal na ang pagdaloy nito sa at posible pang magbara kung sobra na sa lapot. Ang unang-unang apektado nito ay ang ating puso dahil bumibigat ang pagdaloy ng dugo. Isa pang risk factor ay ang pagkakaroon ng hypertension. At kapag kulang ang enerhiyang nalilikha ng ating katawan, tatamaan nito ang iba pang organ ng katawan natin na siyang nagiging sanhi ng komplikasyon. Ang kakulangan ng enehiya ay nagiging dahilan kung bakit hindi na nagpa-function ng normal ang iba nating body organ. Kaya kung diabetic ka, ibig sabihin ay nakukulangan ka ng enerhiya. At dahil kulang ka sa enerhiya, ikaw ay nanghihina at ang iba pang bahagi ng ating katawan ay nanghihina rin
Abangan ang susunod na bahagi na tatalakay sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng diabetes ang tao.