Alam na ng nakararami kung ano ang tinatawag na depresyon. Para sa mga naguguluhan pa tungkol dito, ang depresyon ay isang pangkaraniwan subalit seryosong sakit na may kinalaman sa kung paano mag-isip ang isang tao, kung gaano ang lungkot na kanyang nararamdaman, ito ay may negatibong epekto sa ating utak at damdamin. Mayroon itong dalawang uri, ang bipolar at unipolar.
BIPOLAR
Ito ay ang uri ng depresyon kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng matinding mood swings at mataas na emosyon. Ito ay tinawag ding manic depression. Kapag ikaw ay nade-depressed, maaari kang makaramdam ng ibayong kalungkutan o kawalan ng pag-asa. Yung tipong sa tingin mo ay wala ka nang matatakbuhan, wala ng tao na makakaintindi sa’yo o sa kung anumang pinagdaraanan mo. Sobra ka ng hopeless. Once naman na medyo pumayapa na ang iyong emosyon, mapapalitan naman ang mood mo na mula sa pagiging hopeless ay magiging super energetic. Ang pakiramdam na ito ay makakaapekto sa iyong mga aktibidad, pagtulog, pag-iisip at paghusga sa mga bagay bagay at tao sa iyong paligid. Ang bipolar disorder ay nagagamot sa pamamagitan ng pagsunod sa treatment plan at psychological counseling.
UNIPOLAR
Ang unipolar naman ay ang tinatawag na major depression o major depressive disorder. Ito ay nakapokus sa negatibong emosyon at sintomas na iyong naranasan. Ito ay nakakayang malunasan ng medication at talk therapy. Sa kondisyong ito, ikaw ay may pagka- psychotic kung saan maaari kang makaranas ng delusyon, halusinasyon, mga paniniwalang walang katotohanan at pagkakita sa mga bagay at nilalang na hindi naman talaga nag-eexist. Papunta na sa pagkabaliw. Kaya kailangan ang ganitong kondisyon ay natututukan at hindi binabalewala.
Pwedeng ikaw, ang iyong kaibigan o isa sa miyembro ng pamilya ay makaranas ng mga ganitong uri ng depresyon. Kapag nangyari ito, huwag kang mag-atubiling mag-abot ng tulong financial man o emotional help. Hindi dapat pinagtatawanan o pinagtsisismisan ang nakakaranas nito. Sila ay may mabigat na pinagdaraanan. Sa halip na tuyain ay tulungan natin sila na mapaglabanan ang depresyon na kung hihintayin pa nating lumala ay maaaring humantong sa pagpapakamatay. Bigyan natin sila ng liwanag at bahaginan ng mga positibong pananaw.