Kung friend kita sa FACEBOOK, mapapansin mo na madalas kong i-post ang mga kinakain ko na binubuo ng mga gulay at palaging kasama sa aking menu ay ang ALUGBATI o malabar spinach sa ingles.
Mahigit dalawampung taon na ang nakalilipas nang sumubok ako na ilahok sa ginisang munggo ang alugbati. Hindi ko ito nagustuhan dahil lasang damo ito para sa akin at hindi ko na inulit. Subalit kamakailan, sa aking pagbabasa ng isang natural healing book, nabasa ko na ang alugbati ay itinuturing isang amazing herb. Nag-research pa ako at nagbasa ng mga artikulo hinggil rito at natawag ang aking pansin ng mga benepisyo nito. Dahil nag-shift ako sa healthy eating habbit, nang sumunod kong pamamalengke ay sumubok akong bumili ng isang tali.
Isinahog ko ito sa sardinas at magmula noon ay naiba ang paningin ko sa dahong gulay na ito. Naisip ko, hindi makabubuti na palagi ko siyang isasahog sa sardinas dahil may kemikal rin ito, kung kaya siinubukan ko siyang i-blanch at nagawa ko siyang kainin ng maayos. Magmula noon, hanggang sa ngayon ay alugbati ay bahagi na ng aking pang-araw-araw na pagkain.
Ang alugbati ay isang gulay na hugis puso ang dahon at ang tangkay ay kulay pula o lila. Sagana ang Pilipinas sa pananim na ito at madali siyang patubuin. Mahusay siyang panapal sa mga sakit sa balat katulad ng kagat ng insekto, pamamaga, bukol at tagihayawat. Maganda rin siyang gawing pang-hydrate ng ating kutis. Nakakatulong rin ito sa pagbaba ng timbang dahil mababa ang calorie count nito. Higit sa lahat ay napakayaman ng dahong ito sa bitamina at mineral at sustansiyang kailangan ng ating katawan gaya ng Vitamin A, Vitamin C, calcium, potassium at magnesium at marami pang iba.
Narito pa ang mga nakakagulat na karagdagang benepisyong makukuha natin sa alugbati:
- Karagdagang panlaban sa kanser – mayaman sa anti-oxidants ang mga dahong gulay na katulad ng alugbati at panlaban ito sa free radicals na na nagdudulot ng karamdaman katulad ng kanser sa baga at sa oral cavity.
- Nakakatulong na maiwasan ang matigas na pagdumi – dahil sagana ito sa fiber at mababa lang ang calorie count nito. Nakakaganda ito ng takbo ng ating metabolismo na nakakatulong rin para mabawasan ang ating timbang
- Panlaban sa anemia – ang pagkain ng isang tasang alugbati sa isang araw ay makakatulong para matugunan ang 15 porsiyento ng pangangailangan natin ng iron sa araw-araw.
- Nakakapaglabas ng toxin sa ating katawan -may katangian ito bilang isang diuretic kung kaya regular rin na nailalabas ang mga lason sa katawan s pamamagitan ng pag-ihi at pag-dumi..
- Mayaman sa mineral – Dahil sagana ito sa potassium at manganese, nakakabuti ito sa pag-kontrol ng blood pressure at heart rate at nakakatulong para makaiwas sa hypertension at sakit sa puso
- Nakakalinaw ng mata – mayaman rin ito sa lutein at beta-carotene na nakakatulong sa kalusugan ng ating mga mata.
- Boost immunity – mataas ito sa Vitamin C na nakakatulong para mapalakas ang ating immune system laban sa mga sakit na sanhi ay impeksiyon.
- Beauty regimen – bukod sa nakakaganda ng kutis, maari rin itong gamiting facial mask., Magdurog ng dahon at ipahid sa mukha. Hayaan ng ilang minuto bago maghilamos para ma-relax at lumambot ang balat. Â
- Anti-aging property – dahil sa taglay nitong anti-oxidants, nakakatulong ito para magmukhang sariwa ang balat.
- Makakabuti sa mga nagdadalang-tao – dahil nagtataglay ito ng folate, maganda itong ipakain sa mga buntis. Makakabuti ito para sa development ng nervous system ng sanggol na ipinagbubuntis.
- Makakatulong sa pagtulog ng maaga – Dahil sa taglay nitong magnesium at zinc, nakakatulong ito na makaiwas sa insomnia at magkaroon ng relax na pakiramdam.
- Nakaka-relieve ng ulcer – subukang gawing pantawid-gutom ang alugbati at obserbahan ang benepisyong makukuha ng may mga sakit na ulcer.
Subukan mong kumain ng alugbati araw-araw and feel the benefits.