Zombie Apocalypse Sa Panaginip

Madalas ka bang manood ng mga horror movies? Kung meron man akong paborito sa mga nakakatakot na palabas ito ay ang zombie movies. Para sa’kin kasi ito ang pinaka nakakatakot na pwedeng mangyari sa mundo. Yung tipong ang lahat ay magiging zombies at very challenging ang maka-survive. May thrill itong panoorin kung sa isang pelikula. Pero paano kaya kung mangyari ito sa totoong buhay? O kaya ay  sa iyong panaginip, maramdaman mo pa kaya ang thrill?

Kapag nanaginip ka ng zombie apocalypse, ano kaya ang mararamdaman mo? Siguradong matatakot ka. Matataranta. Kapag ganito ang damdamin mo sa panaginip, ito ay nangangahulugan na hindi ka pa handa sa mga kakaharapin mong mabibigat na sitwasyon sa hinaharap. Ang managinip ng isang malinaw na zombie apocalypse ay nagbabadya ng malaking pagsubok sa iyong buhay. Ang pagsubok na ito na iyong haharapin ay hindi mo maiiwasan. Kahit na anong pigil pa ang gawin mo ay wala kang magagawa. Walang saysay anuman ang diskarte mo para makontrol ito. Damay din dito ang iyong pamilya.

Kung ang damdamin mo naman sa iyong panaginip ay kalmado kahit pa nasa gitna ka ng zombie apocalypse at sumusuong sa panganib, ibig sabihin ay may sapat kang lakas para labanan ang mga problemang paparating sa iyong buhay. Pwedeng ikaw mismo ang gagawa ng paraan para malampasan ang iyong mga problema at pwede rin naman na  may tao na tutulong sa’yo kaya magiging magaan para sa’yo ang pagharap sa mga ito. Yung tipong may nakaalalay sa’yo sa paghahanap mo ng solusyon.

Kung ikaw naman ay nakagat ng zombie sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan na may magagawa kang pagkakamali. Susubukan mo itong pagtakpan sa abot ng iyong makakaya pero ang sabi nga walang lihim na hindi nabubunyag kaya naman hindi magtatagal at malalaman din ito ng iba. Ang lihim na ito ay magiging mitsa ng malaking pagbabago na maaaring maganap sa iyong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here