Zodiac Signs Compatibility Matches; TAURUS &TAURUS

486

LOVE

Ang parehong Taurus ay maraming bagay na pinagkakasunduan kabilang na ang mga rules and regulations sa kanilang relasyon. Madali nilang maintindihan ang isa’t-isa. Nakakaya nilang ibahagi ang sarili nila sa pinakamalalim nilang pang-unawa  tungkol sa pag-ibig. Subalit mahirap para sa kanila ang magbago. Kung ang isa sa kanila ay nanggaling sa isang hindi magandang relasyon, nahihirapan siyang intindihin kung bakit kailangan na mangyari iyon. Kung bakit hindi na lang manatili ang lahat sa isang magandang sitwasyon. Kung susubukan ng iba na i-explain ito sa kanya ay maaari lang itong mauwi sa argumento. Sa kabila nito, sa kabuuan ay may mataas na porsyentong successful ang tambalang Taurus at Taurus dahil mas marami silang bagay na pinagkakasunduan kaysa pinag-aawayan.

SEX

Pagdating sa sex ay best tandem din ang Taurus at Taurus . Para silang sina Eva at Adan na bago pa lang natutuklasan ang ganda ng mundo at ineenjoy ito. Marami silang nadidiskubre sa isa’t-isa na hindi nila nakita sa iba. May mga pagkakataon na nahihiya silang mag-open up sa isa’t-isa tungkol sa sex pero once na ang isa sa kanila ay magkaroon ng lakas ng loob, magkakaroon na rin ng lakas ng loob ang isa pa at kapag ganito ang nangyari ay magkakaroon na sila ng strong sexual reationship. Mas magiging open na sila sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa sa sex.

LIFE

Ang maganda sa pagsasama ng dalawang Taurus ay naiintindihan nila na kahit sila ay nasa isang relasyon ay may kanya-kanya pa rin silang mga priorities sa buhay. Pareho nilang binibigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay na may kinalaman sa kanila tulad ng mga kaibigan, trabaho at mapa-financial man o materyal na bagay. Kaya nilang ibigay ang suporta na kinakailangan ng isa’t-isa. Ang buhay para sa parehong Taurus ay simple lang at hindi kasing hirap ng ibang zodiac signs na magkapareha.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here