Zodiac Signs Compatibility Matches; TAURUS & PISCES

0
289

Latest posts by Madame Yna (see all)

LOVE

Kapag ang isang Taurus at Pisces ay nagkaibigan, kahit nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon, once na makaramdam sila ng kapanatagan sa isa’t-isa ay malaki ang posibilidad na agad silang maging open sa kanilang mga damdamin. Yung tipong wala silang itatago at hindi sila mahihiyang magsabi ng mga opinyon at suhestiyon para sa ikakaganda ng kanilang relasyon. Ang Pisces ay maaring magbago ng kanyang damdamin anytime nang walang malinaw na dahilan. Kaya walang choice ang Taurus kundi ang ipaglaban ang kanilang pag-ibig o hayaan itong magtapos at magmove on. Subalit hangga’t hindi nabobored ang Pisces sa kanilang relationship, ang magical emotional connection nila ay mananatili.

SEX

Ang Taurus ay nagrerepresenta ng art of love making habang ang Pisces naman ay what you see is what you get. Gayunpaman, kahit hindi makitaan ng Taurus ang Pisces ng creativity pagdating sa kanilang sexual moments ay wala siyang pakialam. As long as nagtatagpo naman ang kagustuhan nila sa sex at nakakaraos sila sa paraan na alam nila ay walang magiging problema sa kanila pagdating dito. Hindi kailanman magiging basehan para sa kanilang relationship ang sex. Mas importante ang kanilang emosyon.

LIFE

Pagdating naman sa kanilang buhay at karera, hindi na nila kailangan ang mahabang pag-uusap tungkol sa mga bagay bagay. Madali silang magkaunawaan. Madali nilang makabisado ang galaw ng bawat isa. Gayunpaman, kahit hindi nila masyadong kailangan ang pag-uusap ay mahalaga pa rin sa kanila na alam nila ang bawat detalye ng anumang bagay o sitwasyon na papasukin nila. Mahalaga rin sa kanila na magstick sila sa iisang desisyon pagdating sa kanilang negosyo. Pareho silang praktikal. As long as natutugunan nila ng maayos ang mga pangangailangan nila sa buhay. Once naman na makakita ng bagong opportunity ang Pisces ay gusto niyang masubukan agad ito habang ang Taurus ay walang balak gumalaw sa kung saan siya naging palagay at komportable.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here