Zodiac Signs Compatibility Matches; SCORPIO & SAGITTARIUS

0
363

Latest posts by Madame Yna (see all)

LOVE

The adventurer and the sorcerer. Iyan ang tambalang Scorpio (the sorcerer) at Sagittarius (the adventurer). Sa umpisa ay exciting ang kanilang tandem. Nakikita ng Scorpio ang Sagittarius bilang ray of light habang ang Sagittarius naman ay na-eexcite sa deep ng isang Scorpio at gusto niyang matuklasan ang maraming bagay tungkol dito. Subalit sa oras na ang possessive Scorpio ay sinubukang hawakan ang freedom loving Sagittarius para sa isang commitment, siguradong haharap sila sa relationship problem. Bagamat ang Scorpio ay hindi madaling sumuko, siya ang mas open na magbago para sa Sagittarius alang-alang sa kanilang pagmamahalan. Ang kanilang relasyon ay nangangailangan ng panahon at effort bago nila ito mahubog bilang ideal relationship.

SEX

Kahit na ang Scorpio ay may deep, sexual, seductive passion para mabuo ang isang magandang chemistry sa pagitan nila ng Sagittarius, hindi ito sapat para sila ay magsama ng mahabang panahon. Sa kabila nito , ang mga sandaling magkasama sila sa kama ay mga sandaling masasabi mo na sila ay nasa high intensity. Dahil dito ay nakakabuo sila ng isang incredible sexual relationship. Pareho silang open kahit saan pang lugar, anumang sitwasyon at posisyon ay magkakasundo sila. Kung gusto naman nila na mamintina ang kanilang healthy sexual relationship ay kailangan nilang pumasok sa kompromiso, ang Scorpio ay kailangang matutunan na ibigay ang kalayaang hinihingi ng Sagittarius habang ang Sagittarius ay kailangang matutunan kung paano sasakyan ang emosyon ng Scorpio.

LIFE

Ang Sagittarius ay mahilig sumubok sa mga bagong bagay na maaaring magbigay ng excitement sa kanilang buhay. Open siya lagi sa pagtanggap ng mga hamon.Habang ang Sagittarius ay nag-eexplore sa labas, ang Scorpio naman ay mananahimik sa loob ng bahay at doon na lang maghahanap ng thrill. Sa puntong ito nabobored ang Sagittarius. Dahil sa magkasalungat nilang kagustuhan ay may tendency na marami silang hindi pagkasunduan lalo na pagdating sa negosyo. Maaring naisin ng Sagittarius na magtrabaho sa labas habang ang Scorpio ay pipiliin ang isang online business. Ang chances ng pagsasama nila sa buhay ay 50/50 unless, they put much effort and time to work on their relationship.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here