Zodiac Signs Compatibility Matches: SAGITTARIUS & CAPRICORN

0
504

Compatibility in Love

Walang masyadong thrill sa tambalang ito. Magkaiba sila ng gusto sa buhay at magkaiba rin ang kanilang mga ugali. Kaya ang love sa pagitan ng Sagittarius at Capricorn ay very very light lang at walang masyadong excitement. Unless na mahuhuli nila ang kiliti ng isa’t-isa. Ang ugali kasi ng Capricorn ay shy type, reserved, short tempered but sincere habang ang Sagittarius naman ay gusto i-enjoy ang kanyang lovelife to the fullest, easy go lucky at mahilig mag-explore ng new ideas when it comes to loving a person. Kaya kung magmamahalan silang dalawa ay mangangailangan pa sila ng mahabang panahon na pagsasama bago maging komportable sa isa’t-isa.

Compatibility in Sex

Very strange ang couple na ito pagdating sa kanilang sex partnership. Kahit pa attracted sila sa isa’t-isa at anytime ay nakakabuo sila ng sexual bond, pagkatapos ng mainit na pagsasama sa kama ay makakaramdam pa rin sila na parang hindi sila kuntento sa isa’t-isa. Parang laging may kulang. Gusto ng Capricorn ng malalim na physical encounter, bagay na hindi masyadong naiintindihan ng Sagittarius. Sa Kabila nito ay magpapatuloy ang kanilang relasyon at patuloy silang magtatabi sa kama at gagawin ang kanilang responsibilidad sa isa’t-isa. Ang kailangan lang ay ang respeto sa kakayahan ng bawat isa pagdating sa kanilang sexual bonding.

Compatibility in Life

Kung inaakala ng iba na ang Sagittarius ay hindi tatagal sa piling ng Capricorn, mali ang kanilang akala. Kadalasan ay ang couple na ito pa ang nagtatagal. Alam kasi nila ang kanilang mga pagkakaiba at nirerespeto nila ito.  Mahilig sa something new ang Sagittarius kaya naman lagi siyang naghahanap ng bago sa kapartner niyang Capricorn. Pilit mang iwasan ng Capricorn ang mga aktibidad na nais ng Sagittarius ay palagi niya itong hindi nahihindian. Dahil mahilig sa mga bagong ideas ang Saggitarius, sinusuportahan na lang ito ng Capricorn kaysa mauwi sila sa pagtatalo. Kaya ang ganitong klaseng pagtutulungan sa buhay ay hindi malayong magtungo sa direksyon ng tagumpay.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here