Zodiac Signs Compatibility Matches; LEO & SCORPIO

0
107

Latest posts by Madame Yna (see all)

LOVE

Ang Leo at Scorpio ay may mutual trust pagdating sa kanilang pag-ibig. Pero bago ‘yon, kadalasan ay dumaraan muna sila sa ‘the more you hate, the more you love’ na proseso ng pagmamahalan. Mas gusto ng Scorpio na maramdaman ang hate kaysa wala siyang maramdaman, dahil alam niya kung saan ito maaaring tumungo, habang ang Leo naman ay marunong tumanggap ng pagkakamali. Ang ganitong attitude ng couple zodiac na ito ang siyang nagiging daan para mahubog ang malalim na pagtitiwala nila sa isa’t-isa. Once na maintindihan nila ang kanilang mga negative traits, eventually ay mahahanap nila ang positive side nito. Gaano man ang pagkakaiba nila nung hindi pa sila nagsasama, sa oras na maunawaan nila ito ay mapagtatanto nila na iisa lang ang kanilang gusto, isang pag-ibig na walang kondisyon.

SEX

Pagdating sa sex, kumplikado ito para sa isang Leo at Scorpio. Pareho silang may malakas na personalidad at malakas na sex drive. Ang Leo ay laging mainit pagdating sa kama. Palagi siyang naghahanap ng aksyon at thrill mula sa kanyang kapareha. Habang ang Scorpio naman ay may malalim na pagtingin tungkol sa pakikipagniig. Malalim ang kanyang emosyon dito. Kadalasan ay nahihirapan silang magtagpo sa gitna ng kanilang pagtatalik dahil isa ay aksyon ang hanap habang ang isa naman ay malalim na emosyon. Gayunpaman, ay mananatili pa rin ang init sa pagitan nila sa kabila ng magkasalungat nilang istilo sa pakikipagtalik.

LIFE

Kung buhay naman ang pag-uusapan, may respeto ang Leo at Scorpio sa isa’t-isa. Kung ang Leo ay nais ipakita ang magandang imahe sa mundo, ang Scorpio naman ay naniniwala na ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng karma. Hindi titigil ang Leo hangga’t hindi niya nakakamit ang kanyang tagumpay habang ang Scorpio naman ay hindi bibitawan ang anumang bagay at pagkakataon na makukuha niya para sa katuparan ng kanilang pangarap. May mga pagkakataon man na nagkakaroon sila ng pagtatalo , sa huli ay mananaig ang respeto at tiwala nila sa kakayahan ng bawat isa. ff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here