Zodiac Signs Compatibility Matches; CAPRICORN & AQUARIUS

564

LOVE

Ang tambalang Capricorn at Aquarius ay nangangailangan ng sapat na panahon upang madevelop sa isang magandang relasyon. Hindi sila agad nag-oopen up sa isa’t-isa. Pareho silang takot na pagkatiwalaan ang isa’t-isa sa usaping pag-ibig. Kumbaga e, nagpapakiramdaman muna nang matagal bago magkapalagayang loob. Sa oras naman na makita na nila ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa ay dito na magsisimula na mawala ang kanilang insecurities at makakapagfocus na sila sa kanilang relationship. Ang maganda sa couple na ito ay pareho silang sumasang-ayon sa slowly but surely na proseso ng kanilang relasyon kaya naman ito ang dahilan kung bakit tumatagal ang kanilang pagsasama. Sa kabila nito, ang Capricorn ay sadyang hindi nagbibigay ng kanyang 100% trust sa Aquarius man o sa ibang partner.

SEX

Kung sa simula ng kanilang relationship ay nagpapakiramdaman ang Capricorn at Aquarius, pagdating sa sex ay never silang magpapakiramdaman. As in super hot sila sa kama kapag sila na ang magkasama. Habang slow and easy ang drama ng Capricorn sa sex, ang Aquarius naman ay going with the flow. Kaya naman ang kanilang love making ay puno ng emosyon dahil nagkakaroon ng give and take sa pagitan nila. May mga pagkakataon na nagdedemand sila sa isa’t-isa at lagi naman nila itong natutugunan kaya naman magkasundong magkasundo sila sa kama. Up to the highest level.

LIFE

Tahimik lang dumiskarte sa buhay ang Capricorn. Bagay na naiintindihan naman ng Aquarius. Maaaring hindi maunawaan ng iba subalit silang dalawa, sa tingin at ngiti pa lang, kindat at anumang maliit na pagkilos ay nagkakaintindihan na. Kaya naman sa buhay, may mga pagdedesisyon silang nagagawa nila ng tahimik at walang ingay. Gayunpaman, alam nila sa sarili nila na hindi nila gaanong nabibigyang pansin ang emotional bond sa pagitan nila pagdating sa kanilang personal na buhay. Basta sila ay malayang kumikilos ayon sa kani-kanilang kagustuhan. At dumedepende lamang sa isa’t-isa kung kinakailangan. Marami din kasi silang pagkakaiba at hindi pinagkakasunduan at ito ang pinagsisikapan nilang respetuhin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here