Zodiac Signs Compatibility Matches; CANCER & VIRGO

0
361

Latest posts by Madame Yna (see all)

LOVE

Kapag ang Cancer at Virgo ay nagtagpo bilang lovers, asahan mo na ang isang almost perfect na couple. Once na mapasok nila ang mundo ng isa’t-isa, agad nilang mararamdaman ang 95% compatibility nila. Sa tinginan palang ng kanilang mga mata ay mababasa na nila ang isang magandang hinaharap sa piling ng isa’t-isa. Kung meron mang makakatulong sa Virgo na buuin ang kanyang tiwala sa sarili, iyon ay ang Cancer na kanyang kapareha. Ang matibay nilang paniniwala ay mas malakas kaysa sa kanilang mga pagdududa. Ang magiging problema lang sa kanilang relasyon ay ang pagiging sobrang emosyonal ng Cancer at ang pagiging masyadong makatwiran naman ng Virgo. Para sa Virgo dapat ay laging may dahilan ang mga bagay bagay at mga pangyayari na kung minsan ay hindi maintindihan ng Cancer. Kapag na-overcome nila ito ay sigurado na ang isang ideal na pagsasama sa pagitan nila.

SEX

Bagamat hindi naiintindihan ng Cancer kung bakit may mga tao na hindi nakakaunawa sa kanyang emosyon, alam niya sa sarili niya na kailangan din niyang maintindihan ang iba. Tanggap niya na may iba’t-ibang pang-unawa ang mga tao sa bagay bagay lalo na pagdating sa sex. Hindi maitatanggi na ang kapareha niyang Virgo ay kulang sa emosyon at ito ang kanyang ituturo dito para mas maging aktibo ang kanilang sex life. Handa siyang ibahagi ang lahat ng kanyang nalalaman sa kapareha niyang Virgo para lang hindi masayang ang nakakakilig na sandali ng kanilang love making. Pareho naman nilang gusto na ma-enjoy ito kaya ang Virgo ay magiging sunud-sunuran sa Cancer sa kanilang sex moments.

LIFE

Pagdating naman sa kanilang personal na buhay at karera, ang pagiging emosyonal pa rin ng Cancer ang magiging problema. Ang kawalan niya ng kibo kung minsan ay magbibigay ng maraming bagay at katanungan na tatakbo sa isipan ng isang Virgo. Pero gaano man ito kahirap arukin ay madali lang para sa isang Virgo ang kumbinsihin ang Cancer . Madali lang para sa kanya ang suyuin ito at mapapayag sa kung anuman ang isang bagay na kailangan nilang pagdesisyunan sa kanilang buhay. Kung magagawa nilang pagsamahin ang kanilang talino ay hindi malayo ang kanilang magiging pag-asenso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here