Zodiac Signs Compatibility Matches; CANCER & CANCER

675

LOVE

Parehong emosyonal at mapagmahal ang magkaparehang Cancer kaya naman ang kanilang pagsasama ay more on drama. Hindi na nakapagtataka kung ang kanilang relasyon ay maging mas malalim kaysa sa kanilang inaasahan. Hindi rin nakapagtataka kung sila man ay maging loyal sa isa’t-isa. Alam nila kung paano aalagaan ang kanilang pagsasama. Lalo na kapag natutunan nilang iwaksi ang kanilang manipulative at self-pitying habits. Kung sa tingin nila ay nanganganib na masira ang kanilang relasyon, handa silang ayusin agad ito. Handa rin silang ipaglaban ang isa’t-isa sa sinumang magtatangkang sirain ito tulad ng third party.

SEX

Ang totoo hindi ganoon kahalaga ang sex sa mga Cancerian. Ang parehong Cancer ay marunong makuntento sa kung ano ang kaya nilang ibigay pagdating sa sex. Walang pwersahan dito. Mas importante sa kanila ang emosyon na naibibigay nila during their sex. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi sila open sa pag-eexplore sa sex thing. Oo nga at hindi nila masyadong binibigyang importansya ang kaalaman at karanasan sa sex pero welcome din sa kanila ang pagbabago kung meron man silang matutuklasan sa oras na ma-bored sila.

LIFE

Pagdating naman sa kanilang life together ay magkasundong magkasundo rin ang dalawang Cancer. Pareho silang home buddy at kung trabaho naman sa labas ang pag-uusapan ay sinisiguro nila pareho na hindi sila mauubusan ng oras para sa isa’t-isa. Join force sila sa mga ideya specially when it comes to their financial status. Ang magiging problema lang ay kapag nasanay sila sa kanilang daily routine, dito na sila mag-uumpisang ma-bored na hindi dapat dahil magiging dahilan ito para lumamig ang kanilang mainit na relasyon. Ang solusyon nila sa ganitong senaryo ay lumabas at maglakbay upang makatuklas ng mga bagong bagay o ideya na maaari nilang pagsaluhan. O pwede rin naman sa bahay lang pero kailangan nilang makaisip ng mga bagong gawain na muling makakapagpa-excite sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here