Zodiac Signs Compatibility Matches; CANCER & ARIES

0
264

Latest posts by Madame Yna (see all)

Compatibility in Love

Kapag ang isang cancer at isang aries ay na-fall sa isa’t-isa , ito ay nangangahulugan ng isang opposites attracting. Ang pagiging sensitibo ng cancer at emosyonal ay may dating sa isang aries na isa namang rash and brash. Bagamat pareho silang protective sa kanilang pagmamahalan, kapag nagsalubong ang mood swings ng isang cancer at aggression ng aries, asahan mo na ang trouble. Kaya naman kahit pa naiintindihan nila ang isa’t-isa ay kinakailangan pa rin ng cancer at aries na pangalagaang mabuti ang kanilang relasyon. Ang tambalang cancer at aries ay maaaring maging isang kaaakit-akit  at makapangyarihang couple na handang ariin ang mundo at magbuo ng sarili nilang kaharian.

Compatibility in Sex

Pagdating sa pakikipagtalik, gusto ng cancer ang sex with meaning habang ang aries naman ay hindi gentle sa simula subalit kung hahayaan lang nila ang isa’t-isa sa paraan ng sex na gusto nila ay mas magkakaroon ng thrill ang pagsasama nila sa kama. Para sa kanila ang intimacy ay hindi basta basta nakukuha. Ito ay binubuo ng dahan dahan hanggang sa ito ay maging matatag sa pagitan nila. Ang challenge sa kanilang sex life ay base sa kung ano ang nalalaman nila tungkol sa sex o sa posisyong gusto nila.

Compatibility in Life

Dahil nagagawa ng cancer at aries na maging totoo sa isa’t-isa, ang buhay na magkasama ay nagiging madali para sa kanila. Suportado nila ang kani-kanilang agenda. Kapwa alam nila ang espasyong kailangan ng bawat isa kaya hindi masyadong exciting ang challenge dito. Bagamat pareho silang busy ay sisiguraduhin nila na hindi sila makakalimot sa mga holidays, birthdays at iba pang okasyon. Hindi problema sa kanila ang pera dahil sanay sila na may parehong hawak. Ang paraan ng kanilang paggasta ay walang halong kompetisyon kundi pinaglalaanan lamang ang dapat paglaanan. Dahil home buddy ang cancer ang puso at isip niya ay nasa pag-aalaga ng kanyang tahanan at mga anak, gayundin sa kanyang trabaho na sinusuportahan naman ng aries.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here