Zodiac Sign Compatibility Matches: LEO & TAURUS

1367

Compatibility in Love

Ang Leo at Taurus ay may pagkakapareho sa pangangailangan pagdating sa pag-ibig. Kung ang Taurus ay sabik sa pagmamahal at nais ng plenty of affection, ang Leo naman ay gustong gusto ang compliments at paghanga. Pareho silang loyal at possessive, ito ang dahilan kung bakit swak na swak sila bilang lovers. Natutugunan nila ang pangangailangan ng isa’t-isa. Alam nila kung paano ihahandle ang kani-kanilang egos. Kaya naman they can be a great couple in their own love affair. Sa kabila nito ay hindi laging kulay rosas ang kanilang paligid, may mga pagkakataon na kakailanganin nila ng matinding pang-unawa sa isa’t-isa kapag sila ay nasingitan ng ibang zodiac signs.

Compatibility in Sex

Hindi masyadong exciting ang tambalang Leo at Taurus pagdating sa sex. May tendency na magkatamaran sila sa kama. Gusto kasi ng Taurus na mahiga at enjoyin lang ang oras katabi ang mahal, payakap yakap at palambing lambing, habang ang Leo naman ay gustong gusto na pinagsisilbihan siya at binebeybi beybi sa kama. Sila yung tipo ng lovers na hirap magdesisyon kung sino dapat ang nasa ibabaw. Kailangan nilang matutunan at magamay ang best way kung paano mabibigyang kasiyahan ang isa’t-isa sa bed dahil mas uunahin nila ang sarili nilang satisfaction. Kulang sila sa thrill when it comes to sex. Pero kung makukuha nila ang kiliti ng isa’t-isa ay magiging the best ang kanilang love making.

Compatibility in Life

Kilala ang Taurus sa likas niyang katatagan sa buhay. Habang ang Leo naman ay sanay sa pagpapakita niya ng malaking tiwala sa sarili at kilala din sa pagkakaroon ng daring na personality. Pagdating sa kani-kanilang career ay nagkakatulungan sila at napupunuan ang kakulangan ng isa’t-isa. Ang lahat kasi ng pagdedesisyon sa buhay ay pinag-iisipang mabuti ng Taurus. Bagamat sanay sa whirlwind kind of life and adventures ang isang Leo ay hindi siya ang tipo na makiki-go with the flow na lang, kaya rin niyang magdesisyon sa isang iglap lang at dito niya mapapahanga ang Taurus. Sa ganitong paraan kaya nagwowork ang kanilang relasyon.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

 

 

1 COMMENT

  1. Rachelle Villareal

    Taurus at Libra po.
    Compatible macth din po ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here