Your December Love Horoscope

0
568

Latest posts by Madame Yna (see all)

ARIES

Kailangan mong maging mahinahon sa lahat ng oras. Dapat mo ring isaalang-alang ang pagmamahal sa’yo ng iyong kapareha bago ka magbibitaw ng salita at anumang aksyon. Ang iyong lovelife ay magiging maayos lamang kung ikaw ay makikisama ng maayos sa iyong kabiyak at pagtutulungan nyo ang pagbuo sa inyong mga pangarap.

TAURUS

Ang inyong pagsasama ay kumukuha ng lakas mula sa inyong suporta sa isa’t-isa. Sa kabila nito ay kakailanganin nyo pa rin na dumiskubre ng mga bagong ideya na makakatulong pa at makakapag-improve sa inyong pagsasama. Susubukan ninyong dagdagan pa ang quality time together.Nang sa gano’n ay maiwasan ang boredom sa inyong relasyon.

GEMINI

Anuman ang plano mo sa buhay , kailangan mo siyang gawing bahagi nito. Isama mo siya sa iyong pagpaplano at hingin ang kanyang opinyon. Alamin mo hindi lang ang iyong tunay na kagustuhan kundi maging ang kanya. Hindi lang pera ang pinagtatrabahuhan kundi maging ang love life din. Ang pagbibigay ng tiwala sa kanya sa mga mahahalagang bagay para sa’yo ay isang malaking puntos sa puso niya.

CANCER

Huwag mong pabayaan ang tao na tunay na nagmamahal sa’yo. Hindi porke’t siya ay bahagi na ng iyong nakalipas ay hindi na siya maaaring maging bahagi ng iyong bukas. Maging bukas ka sa mga pagbabagong nakatakdang maganap sa iyong buhay pag-ibig.

LEO

Don’t let your worries get the better of you. Harapin mo muna ang sarili mo at itsek kung may dapat ka bang iimprove o alisin. Kung sa tingin mo ay komportable na ang iyong pakiramdam, lumabas ka at magsaya. Makikita mo mula sa kung saan ang isang tao na magpapakinang ng mga mata mo at magpapabilis sa tibok ng puso mo.

VIRGO

Kung sa pakiramdam mo ay nasasakal ka na sa inyong relasyon, magpahinga ka muna. Pwede kang pansamantalang lumayo para makapag-isip isip. Kung mabibigyan mo ng sapat na oras ang iyong sarili, masisiguro mo kung ano nga ba talaga ang problema ng puso mo. Kapag nalaman mo na ay ibahagi mo ito sa kanya upang masolusyunan hangga’t maaga.

LIBRA

Walang makakapigil sa’yo sa gusto mong gawin o sa mga plano mo sa iyong love life. Pareho kayong mahilig sa sorpresa ng buhay kaya naman go lang kayo ng go. Mas importante sa’yo ang hinaharap kaysa kasalukuyan. Hindi ka naman mag-iisa dahil katuwang mo siya sa hirap at ginhawa. Katuwang mo rin siya sa iyong mga pangarap at kabiguan. Ngayon man ito o bukas.

SCORPIO

Panatilihin mo lang ang pagiging positibo. Ipagpatuloy mo lang ang magagandang bagay na inyong nasimulan at makikita mo ang magandang resulta nito pagdating ng araw. Lagi mong iparamdam sa kanya na importante siya sa bawat oras at araw ng buhay mo.Kung mahalaga sa’yo ang bonding ninyong dalawa, gawin nyo ito ng madalas.

SAGITTARIUS

Kailangan mong bigyan ng prayoridad ang inyong relasyon. Kung meron kang gustong sabihin sa kanya ay sabihin mo na dahil hindi nagsasalita ang mesa. Hindi rin magsasalita ang upuan para sa’yo. Gisingin mo ang iyong kamalayan at subukang kumonekta sa kanya.

CAPRICORN

Ang pagtitiwala ay isang mahalagang sangkap sa inyong pagsasama. Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mo itong ibigay sa kanya kung talagang mahal mo siya. Bago ka maniwala sa sinasabi ng iba ay paniwalaan mo muna ang sinasabi ng puso mo. May ibinubulong ito na ikaw lang ang nakakarinig at hindi ang ibang tao.

AQUARIUS

Sa sobrang busy mo sa trabaho ay makakalimutan mong meron kang love life. Dapat mong maintindihan na hindi siya rebulto para maging manhid. Kailangan mo siyang kausapin at pagtuunan din ng pansin gaya ng ibinibigay mong atensyon sa mga kasamahan mo sa trabaho.

PISCES

Respect be gets respect. Alam mo na ‘yan. Sa kabila ng agam-agam nyo sa inyong relasyon ay magiging matibay pa rin ito. May mga pagkakataon man na nawawalan kayo ng kumpiyansa sa isa’t-isa, sa huli ay nananaig pa rin ang respeto nyo sa bawat isa kaya naman matatagpuan nyo ang unawaan sa dulo at hindi pa rin magwawagi ang kabiguan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here