WITCHY TIPS: MGA MAGICAL TIPS UPANG SUWERTIHIN SA BUHAY, MATANGGAL ANG MGA KAMALASAN, MATUPAD ANG MGA KAHILINGAN, AT IBA PA

Ang mundo ay puno ng mahika. Bagama’t maraming bagay na ang naipaliwanag ng Science, marami pa ring aspeto ng buhay ang maituturing na himala o mahika. Ito ang mga bagay na nangyayari kahit walang lohikal at siyentipikong paliwanag.

         Kung isa ka sa mga naniniwala sa kapangyarihan ng mahika, narito ang ilan sa witchy tips na makakatulong sa iyo.

  1. Sa unang araw ng buwan, isulat ang iyong mga kahiligan sa dahon ng laurel. Sunugin ito hanggang sa maging abo. Isaboy ang abo nito sa front door. Ang bay leaf ay itinuturing na sagrado at makapangyarihang herbs sa magic.
  • Ugaliing magsindi ng berdeng kandila sapagkat ito ay simbolo ng prosperidad.
  • Upang hindi ka pagtampuhan ng pera, pahalagahan at ingatan mo ang wallet na gaya ng isang kaibigan. Panatilihin itong organisado, malinis, at walang sira.
  • Magbaon ng tatlong piraso ng sariwang itlog sa bakuran o front door upang pumasok ang biyaya at suwerte.
  • Magsabit ng wind chime sa front door o bintana. Ang kalansing nito sa tuwing tatamaan ng hangin ay katumbas ng kalansing ng pera.
  • Budburan ng turmeric powder ang iyong wallet upang dumoble ang iyong income.
  •  Ugaliing mag-general cleaning ng kuwarto at tahanan upang matanggal ang accumulated negative energy sa loob.
  • Kung masakit at mapait kang alaala at gusto mo na itong kalimutan, o may sama ka ng loob na hindi mo masabi, isulat mo lahat ito sa isang piraso ng papel o tissue paper at saka mo ito i-flush sa toilet.

May kasunod pa.