Winwyn Marquez, wagi sa Reina Hispanoamericana

0
26

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Sa loob ng mahigit 400 na daang taon ay sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas. Kaya naman hindi na nakapagtataka na ang ating kultura, pag-uugali at maging salita ay nahaluan ng sa kanila.  

At ito ang dahilan kung bakit napasali ang Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2017 na ginanap sa Bolivia kahit pa nga hindi naman tayo nakapagsasalita ng Espanyol. 

At ang kauna-unahang pambato ng Pilipinas sa nasabing pageant ay ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez—si Teresita Seen “Winwyn” Marquez. 

Matatandaang taong 2015 ay sumali na siya sa Bb. Pilipinas. Dito’y nakatunggali niya si Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach. Sa kasamaang palad, hindi napagtagumpayan ni Winwyn na makuha ang koronang kanyang pinakaaasam. 

Dati pa man ay madalas ng mapanood sa mga palabas ng GMA Network si Winwyn kaya naman marami na ring mga Pilipino ang pamilyar sa kanya. Hindi lamang siya magaling umarte, napakagaling  din niyang sumayaw  gaya ng kanyang ina.  

Ngunit, kahit pa kilala na  sa mundo ng showbiz ay  pangarap pa rin ni Winwyn ang maging beauty queen gaya ng kanyang tiyahin na si 1979 Ms. International Melanie Marquez. Kaya naman hindi siya sumuko sa kanyang pangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na itayo ang bandera ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana.  

Sa nasabing kumpetisyon ay pinamangha ni Winwyn ang mga manonood, hindi lamang sa kanyang ganda at talent kung hindi maging sa kanyang kumpiyansa sa sarili at talino. 

Sa isang programa sa Bolivia, kung saan nag-guesting sila ay pinanganga ni Winwyn ang mga hosts, kapwa mga kandidato at mga manonood nang sumayaw siya ng traditional Muslim dance na ‘Singkil’ at biglang hubarin ang kanyang costume at humataw ng modern Latin dance. 

Humataw rin siya sa paghahakot ng mga special awards sa naturang kompetisyon na lalong nagpasaya sa mga Pilipino. At tulad sa ibang kompetisyon ay mas nagningning si Winwyn sa kanyang naging sagot sa question and answer portion. 

“Question: How would you promote Hispanic-American Culture with a great difficulty or barrier of language? 

At ang kanyang sagot: Language can be learned, but the will and determination to contribute something to the organization cannot. It has to come from the heart and it has to be natural. I believe that kindness is a universal language. If you treat people with tolerance, patience, and love, you will understand each other. Hispanic culture is not about language only. It’s about love for God, love for country, love for history and culture, and love for family. As a Filipina with a unique heritage, I have instilled that. I am ready to promote Hispanic culture, not just in Asia, but in the whole world. It is time to celebrate the Hispanic culture. It is meant to be celebrated.” 

Nakaka-proud isipin na tinalo ni Winwyn ang dalawampu’t pitong mga kandidata kahit pa nga siya lamang ang nag-iisang kandidata na nangailangan pa ng interpreter para sa question and answer portion. 

Tunay na pinanindigan niya ang kanyang pangalan dahil na rin hindi lamang niya iniuwi ang korona sa kauna-unahang pagkakataon kung hindi dahil sa ipinakita niyang confidence at grace under pressure na attitude sa harap ng maraming tao.

 

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here