WINGED BEAN – KAHANGA-HANGANG GULAY

754

Flora Rivera

Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her firstlab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.
Flora Rivera

Isang gulay na maituturing na superfood na kagaya ng alugbati ay ang winged bean (psophocarpus tetragonolobus) o mas kilala sa atin bilang SIGARILYAS. Tinatawag rin itong four cornered bean at four angled bean dahil sa pagkakaroon nito ng apat na gilid na mistulang maliliit na pakpak.  

Amazing o kahanga-hanga ang deskripsiyon na ibinigay ng isang website na nagsagawa ng pagsasaliksik hinggil sa gulay na ito dahil sa napakaraming health benefits na makakamit kung ito ay kakainin sa araw-araw. Halos wala kang itatapon sa halamang ito dahil ang dahon, bulaklak, bunga at buto nito ay pawang nakakain at pakikinabangan. Ang sigarilyas ay itinuturing na kapamilya ng legume (binhi), marahil ay dahil sa katulad ng beans ay nakakain rin ang buto nito. 

Sagana ang sigarilyas sa mga mahahalagang sustansiya katulad ng protina, karbohidrata (carbohydrates), Bitamina A at  B, calcium, iron,  fiber at marami pang iba. May walong uri ang winged bean na ayon sa mga nagsaliksik   ay nagmula sa bansang Africa at maraming uri ang tumutubo sa  Indonesia at iba pang Asian countries. Subalit ang palasak na nakikita at nabibili natin ay ang kulay berdeng uri nito at kung minsan ay yung kakulay ng talong.

Karaniwan itong inilalalahok ng mga Pilipino sa sinigang, sa pinakbet o ginagataan.  

Bukod sa mayaman ito sa mineral at bitamina, marami rin itong benepisyo sa kalusugan at kagandahan kung ito ay magiging bahagi ng inyong pang-araw-araw na diet.

Benepisyong Pangkagandahan

  • Nakakapagpababa ng timbang kung ito ay isasama sa daily food intake dahil

          mayaman ito sa fiber at mababa ang bilang ng calorie.

  • Nakakapigil ng maagang pagtanda at pangungulubot at  pagkakaroon ng age spots dahil sa taglay nitong bitamina at copper.
  • Nakakapagpanatili sa elasticity ng balat dahil sa taglay nitong mataas na dosage ng anti-oxidants. 

Benepisyong Pangkalusugan

  • Mayaman sa folate at iron  na makabubuti sa mga nagdadalang-tao.
  • Nakakatulong sa madaliang paggaling ng bali (sprain) at pamamaga at nakakabawas ng kirot sanhi ng arthritis dahil sa taglay nitong Manganese.
  • Nakakatulong na mapigilan ang pagkakaroon ng katarata at glaucoma at iba pang sakit sa mata dahil sa nagtataglay ito ng Bitamina B1.
  • Nakakatulong sa natural relief ng headache at migraine. Nagtataglay ito ng amino acids kabilang na ang tryptophan na nakabubuti sa kondisyon ng utak
  • Nagtataglay ng phosphorus na nakakapigil sa panghihina, pamamanhid at pagkapagod 
  • Nagtataglay ng calcium at Vitamin D na makakatulong para mapigilan ang pagkakaroon ng diabetes
  • Nagtataglay ng Magnesium na makakatulong sa pagluwag ng paghinga ng isang may asthma at nakakapigil ng insomnia.
  • Nakakapagpalakas ng immune system at at nilalabanan ang pagkakaroon ng sipon dahil sa taglay nitong zinc.

Benepisyong Tradisyonal

  • Kinakain ang buto at dahon para panggamot sa sugat at ulcer.
  • Ginagamit at dahon para sa paggawa ng compound lotion at ipinapahid sa bulutong-tubig.
  • Ang ugat ay ginagamit na panapal para mapagaling ang vertigo

Ginagamit rin ang sigarilyas, kasama ang dahon at bulaklak na animal feeds. Pwede rin itong ornamental plants dahil sa nakakaakit na mga bulaklak nito.

Habang isinusulat ko ang artikulong ito tungkol sa SIGARILYAS, ay napahanga ako ng sa aking mga natuklasan.

Dahil diyan, isa na namang napaka-healthy na gulay ang madadagdag sa aking daily food intake, simula sa araw na ito. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here