Wildflower Review: Nakakasawa na

0
22

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

February 13, 2017 nang maipalabas ang teleseryeng ito ni Maja Salvador. Ito ay tungkol sa paghihiganti kaya naman hindi kataka-taka kung subaybayan ito ng manonood. Saka, ang mga tauhan sa programang Wildflower ay kilala at magagaling tulad na lamang nina Tirso Cruz III, Aiko Melendez, Christian Vasquez, Sunshine Cruz, Wendell Ramos, RK Bagatsing, Vin Abrenica, Joseph Marco at marami pang iba.

Matalino at palaban, ‘yan si Lily Cruz o Ivy Aguas (Maja Salvador) kaya naman kahit gaano katuso ang pamilya Ardiente (Tirso, Emilia at RK) ay nagawa niyang pasukin ang buhay ng mga ito. Tapos ay nagawa pa niyang paibigin si Mayor Arnulfo Ardiente (RK Bagatsing). Dahil sa talaga namang minahal ng Mayor si Ivy Aguas ay maraming manonood ang kinilig sa kanila at ito talaga ay kakaiba. Biruin ninyo, ang kontrabida na si Mayor Arnulfo Ardiente ay nagawang patibukin ang puso ng maraming kababaihan dahil sa ipinakita niyang pagmamahal kay Ivy Aguas.

Sayang nga lamang na kahit tumabo pa ang pagmamahal na iyon ni Arnulfo kay Ivy, hindi maaaring maging sila dahil nga paghihiganti lang ang dahilan ni Ivy kaya niya nagawang paibigin si Arnulfo at sila talaga ni Diego (Joseph Marco) ang magka-partner.

Kung noon ay pinananabikan ko ang pagsapit ng oras ng Wildflower, ngayon ay nakaramdam na ako ng pagkabagot. Paano ay parang pinahahaba na lamang ang istorya pero wala ng ginawa kundi ang magpatayan. Saka, wala akong nakikitang kilig sa pagitan nina Lily at Diego. Sinasabi lang nila na mahal nila ang isa’t isa pero parang hindi iyon maramdaman sa kilos at pananalita nila.

Mula ng magtapos ang ‘lovestory’ nina Arnaldo at Lily ay parang hindi na ganoon kaganda ang istorya. Para kasing nauntog na ang mga manonood na sa pag-ibig talaga ay hindi pupuwede ang forever. Oo nga at nagawang mahalin ni Arnulfo si Ivy pero dahil sa galit ang pinaiiral niya ay gusto na rin niyang saktan si Lily Cruz. Kaya nga lang, noong makitang nahihirapan na rin si Lily dahil ini-off ang play room ni Red Dragon (Zsa Zsa Padilla) na sobrang init ay pinahinto niya ito.

Ibig bang sabihin noon ay naawa rin siya sa babaeng kanyang minahal? Mas gaganda siguro ang istorya kung magagawa ni Arnaldo na ‘patayin’ ang isa niyang kapamilya para lamang maipagtanggol niya si Lily. Kaya nga lang hindi ganoon ang takbo ng istorya kaya nakakaramdam na ako ng pagkasawa sa teleseryeng ito.

Para sa akin ay mas maiging tapusin na ang istorya dahil wala na talaga itong kahihinatnan. Nakaka-bored na. Wala na ang puso. Naglaho na rin ang Arnaldo na minahal ng mga tao kahit alam naman natin na isa siyang kontrabida. Doon kasi nasilip na mayroon din siyang soft spot. Na kahit na masamang tao siya ay marunong pa rin siyang magmahal.

Speaking of marunong magmahal, nakita ngayon kung gaanong naghinagpis si Emilia (Aiko Melendez) nang mabaril niya si Jaguar. Hindi niya kasi akalain na si Raul (Wendell Ramos) ang kanyang nabaril. Ngayon ang tanong na dapat nating abangan, mabubuhay ba si Raul o mamamatay?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here