Wildflower Review: Isa-isa na silang namamatay

454

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Alam naman natin na hindi maganda ang kahihinatnan ng ilang tauhan kapag palapit na ang pagtatapos ng teleserye. ‘Yun nga lang, hindi ko pa rin maiwasan ang ma-disappoint dahil sangkaterba na ang naalis sa Wildflower. Siyempre, kinakailangan nilang mamatay para makapag-exit ang isang tauhan.

Nakaramdam lang ako ng pagkairita dahil bawat linggo, mayroong pinapatay. Kunsabagay, alam naman nating bayolente ang palabas na ito. Tungkol nga ito sa paghihiganti at dapat na nating asahan na isa-isa talagang malalagas ang mga tauhan. Kung ang mamamatay siguro ay mga kontrabida, mapapalakpak pa ako kaya lang, hindi ko magawang tanggapin na pati si Diego (Joseph Marco) ay manganganib ang buhay.

Alam man ng lahat ng manonood ng Wildflower na hindi tunay na Ardiente si Diego Torillo, parang napakasakit pa ring tanggapin na magagawa siyang barilin ni Julio Ardiente (Tirso Cruz III). Ibig kasing sabihin noon, wala talagang puso si Julio. Hindi man niya kadugo si Diego pero siya naman ang nagpalaki rito. Gayunpaman, hindi pa rin niya ito minahal ng lubos.

Kunsabagay, ang karakter ni Julio Ardiente ay napakasama. Gahaman siya sa kapangyarihan. Samantalang si Diego ang naging hadlang para muli niyang makuha ang kapangyarihan na kanyang inaasam. Dahil dito, binaril niya ng kung ilang beses si Diego. Sa pagkakatanda ko ay dalawa. Kahit gusto kong maawa sa kinahinatnan ni Diego, para ring gusto kong matawa sa ginawa sa kanya ng taumbayan. Pinagpasa-pasahan siya.

Naiintindihan ko na gustong sabihin na mahal siya ng taumbayan pero kung ang sitwasyon naman ay nabaril siya, hindi naman makatarungan ang ginawa sa kanya. Sorry pero talagang nakakatawa. Kahit kasi sabihin na hindi ganoon kalalim ang mga tama kay Diego, parang mas mamamatay siya dahil sa lamog buhat sa mga tao na nagmamahal sa kanya.

Masyadong OA ang pagkakagawa ng eksenang iyon. Hindi naman inisip ang implikasyon ng mangyayari. Tulad nga ng sinabi ko katawa-tawa. Saka habang natataranta ang lahat si Lily (Maja Salvador) naman ay parang natulala lang. Oo nga at ang karakter niya ay matapang na babae kaya lang mas maigi siguro kung sa pagkakabaril kay Diego ay makita naman natin ang kanyang kahinaan. Siyempre, kapag nasa bingit na ng kamatayan ang lalaking kanyang pinakamamahal dapat lamang na bumigay din siya.

Nang una ay inakala ko na mabubuhay pa si Diego sa kabila ng mga tama niya, kaya naman nakahinga ako nang maluwag ng mamatay siya. Siyempre, kung hindi naman siya planong patayin, mas maigi kung hindi dalawa ang tama niya saka sapul si Diego sa vital organs kaya imposible talagang siya ay mabuhay. Nakalulungkot man na mangyari iyon sa isa sa bida ng teleserye pero mas maigi ng nangyari iyon. Saka,sabi nga, walang forever.

Gayunpaman sa puso ni Lily Cruz at taumbayan ng mga Ardiente, hindi namatay si Diego sa kanilang puso. At iyon ang pinakamahalaga.

O, handa ka pa bang malaman kung sino ang susunod na mamamatay sa Wildflower? Abangan ang nalalapit nitong pagtatapos.

SHARE
Previous articleOFW na nagbabantang magpapakamatay kapag naghiwalay ang mga magulang
Next articleHappy Valentine’s Day to my husband, my best friend…Noel
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here