WEIGHTLIFTING FAIRY’S LEE SUNG KYUNG’S BEAUTY AND FITNESS SECRETS

691

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Bukod sa interesting plot ang isa pang dahilan kung bakit gustong-gusto kong nanonood ng mga Kdramas ay dahil nafa-fascinate ako sa kutis ng mga artista. Mapa-babae man o lalaki, super radiant at youthful-looking ng skin nila. Nakakainggit na nakaka-inspire kaya nag-research ako ng mga sikreto nila.

Ang isa sa mga kasalukuyang popular na aktres sa Korea na talaga namang may nakakahangang skin at figure ay si Lee Sung Kyung. Sumikat siya bilang Kim Bok Joo sa Korean drama na Weightlifting Fairy kung saan ay iniwan niya ang kanyang glamorous image para gumanap bilang isang boyish weightlifter. Kahit wala ang heavy makeup na nakita sa kanya nang gumanap bilang Baek In-ha sa isa pa ring sikat na Kdrama na Cheese in the Trap, litaw pa rin ang ganda ni Lee Sung Kyung at ito ay dahil sa kanyang natural na radiant, glowing skin.  Naniniwala kasi siya na ang flawless na mukha ay nagsisimula at nagtatapos sa perfectly-primed canvas. Binibigyan niya ng priority ang cleansing at paga-apply ng skincare sa tamang steps. Isa siya sa mga sumusunod sa multi-step skincare routine na popular sa mga Koreans. Oil cleansing, foam cleansing, exfoliating, toning, paggamit ng essence na sinusundan ng paggamit ng serum, boosters, ampoule, paggamit ng mask, eye cream at face cream.

Importante din kay Lee Sung Kyung ang paggamit ng sunscreen. Ayon sa kanya, harmful daw ang UV rays sa balat at nagiging sanhi din iyon ng premature skin aging. Hindi siya umaalis ng bahay na hindi naglalagay nito kahit sa days off niya.

Nirekomenda rin niya ang pagde-detox ng mukha sa pamamagitan ng pagmamasahe nito. Iminamasahe niya ang kanyang skincare products sa mukha. Gumagamit siya ng gentle tapping motions pagkatapos ng bawat step sa kanyang skincare routine. Naniniwala kasi siya na nakakatulong iyon sa pagco-contour ng kanyang mukha. Gusto ba ninyong subukan ang facial massage? Laging tatandaan na ang pagmamasahe ng mukha ay dapat laging pataas para labanan ang puwersa ng gravity. Mag-focus din sa pressure points sa gilid ng panga, inner at outer eye na mga key points sa pagde-drain ng toxins.

Problema ng marami ang pagkahulas ng makeup minsan kahit hindi pa man dumarating ang lunchtime. May tip din si Lee Sung Kyung para maging long-lasting ang makeup. Hayaan munang ma-absorb ng mukha ang bawat layer ng skincare o makeup product bago maglagay ng panibagong produkto. Kung gusto mong malaman kung na-absorb na ng balat ang produkto, idiin ang thumb sa mukha at kung ito ay damp, maghintay lang ng isang minuto saka mag-test ulit. Kaya kung gumamit ka ng liquid o cream foundation, huwag kang excited na patungan kaagad iyon ng foundation, hayaan munang ma-absorb ng skin ang naunang inilagay para hindi mag-cake at mahulas kaagad ang makeup na pinaghirapan mo.

Mahilig din si Lee Sung Kyung sa lipsticks. Ang go-to-look niya ay brown liner at coral lip. Surprisingly, hindi siya mahilig sa cat eyes na paborito ng mga Korean women. Gusto daw niya ng natural-looking eyes para ma-highlight ang kanyang labi. Pagdating sa foundation, natutunan niya sa nakatrabahong mga makeup artists na manipis lang dapat ang paga-apply ng foundation para ma-achieve ang natural look. At mag-stick sa mga hydrating formulas para ma-prevent ang pagke-cake ng foundation. I-blend din iyon ng maayos para maiwasang magmukhang naka-maskara na. Isa pang tip, pagkatapos maglagay ng foundation, i-press ang tissue sa mukha para maalis ang excess product.

Bago magsimula ang Weightlifting Fairy, maraming may hindi gusto kay Lee Sung Kyung na gumanap bilang Bok Joo dahil sa kanyang model physique. Kaya nag-gain siya ng five kilograms para patunayan na committed siya sa role. Ang sikreto raw para mabilis na tumaas ang timbang ay kumain nang late sa gabi at saka matulog. Pero nagulat ang lahat matapos ang drama dahil mabilis siyang nakabalik sa kanyang katawan pre-Bok Joo days.

Ano nga ba ang ginawa ni Lee Sung Kyung para maibalik ang kanyang model figure? Core workout daw ang ginagawa niya para pabilisin ang  kanyang metabolic rate. Pero siyempre kung gusto nating pumayat at ma-maintain ang ating weight, hindi puwedeng puro exercise lang, dapat samahan din iyon ng tamang pagkain para maging mas epektibo. Hindi mahilig si Lee Sung Kyung sa maaalat at may flour na pagkain, nagiging bloated kasi siya kaagad. Sa tingin niya hindi okay sa kanya ang gluten kaya iniiwasan niya ang mga pagkaing mayroon niyon.

Akala ko noon automatic na kapag Koreano, mahilig kaagad kumain ng Kimchi, pero hindi si Lee Sung Kyung. Minsan lang daw siya kumakain nito dahil sa trauma na inabot niya noong bata siya at pilitin ng teacher niyang kainin iyon. Kumakain siya ng Kimchi fried rice pero kapag may malalaking piraso ng kimchi, inaalis niya ang mga iyon.

Hindi rin siya naniniwala na dapat gutumin ang sarili para pumayat. Natakot kasi siya na baka kapag ginutom niya ang sarili ay magkaroon ng yo-yo effect o ang pagpayat pero mabilis ding pagbalik ng timbang na nawala. Kaya nagluluto na lang siya ng sariling pagkain para masigurado niyang ang pumapasok sa kanyang katawan ay clean and healthy.

 

SOURCES:

http://www.vivawoman.net/2017/01/beauty-tips-korean-actresses/

http://www.herworldplus.com/beauty/8-tricks-top-korean-model-lee-sung-kyung-best-k-beauty-look

http://www.candymag.com/lifestyle/this-is-how-weightlifting-fairy-s-lee-sung-kyung-stays-in-shape-a00005-20170324

http://www.preview.ph/culture/lee-sung-kyung-a1237-20170112

http://aminoapps.com/page/k-drama/786043/news-lee-sung-kyung-and-nam-joo-hyuk-confirmed-for-mbc-drama-weightlifting-fairy-kim-bok-joo

SHARE
Previous article12 O’Clock
Next articleAng katotohanan tungkol sa panaginip, alamin!
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here