We Fall In Love Three Times In Our Lifetime

0
127

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ilang beses ka na bang umibig? Naniniwala ka ba na isang beses lang magmamahal ng tunay ang isang tao?Ayon sa pag-aaral, ang isang tao ay maaaring ma-in love ng tatlong beses sa buong buhay niya. Hindi lahat ng hinahangaan mo ay mahal mo na. Hindi lahat ng naging karelasyon mo ay minahal mo ng tunay. Kung naguguluhan ka, narito ang tatlong stage ng pag-ibig na maaari mong naranasan o mararanasan pa lang. FIRST LOVE Lahat tayo ay may first love. Bukod sa ating mga magulang at kapatid, sa panahon ng ating pagdadalaga/ pagbibinata ay may darating na isang tao na magpapangiti at magpapabilis ng tibok ng ating puso. Maaari itong maranasan habang ikaw ay nasa high school pa lang. Yung akala natin ay may happily ever after na agad tayo. Yung tipong akala natin ay wala na tayong ibang makikilala at mamahalin kundi siya. Masyadong interesting para sa atin ang stage na ito dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na tayo ay nakadama ng pagmamahal lalo na kung ito ay may katugon mula sa tao na ating itinangi. SECOND LOVE Sa ikalawa nating pag-ibig ay mas kumplikado na. Ito na yung magkakaroon tayo ng pag-aalinlangan dahil hindi tayo nagtagumpay sa una. Ito rin yung stage na masasabi nating pinakamatamis at pinakamapait. Marami tayong effort na inilalagay sa relationship na ito para lang magwork. Sa pangalawang beses na tayo ay ma-fall, isinusugal na natin ang ating puso alang-alang sa kaligayahan na gusto nating maramdaman na pangmatagalan. THIRD LOVE Sa pangatlong pagkakataon na tayo ay magmamahal , marami na tayong baon na karanasan mula sa nakalipas. Marami na tayong natutunan. Kadalasan ang third love ay puno ng sorpresa. Ito na yung stage na marami kang hindi inaasahan na mangyayari. Alam mo na kung paano ito iha-handle kahit pa gaano kahirap. Para sa’yo ay madali na lang ang lahat. Hindi na ganoon kakumplikado at masasabi mo na maaaring ito na ang iyong truelove dahil ang pang-unawa mo at pagtingin sa pag-ibig ay malawak na. Kaya mo ng tanggapin ang relasyon na walang masyadong do’s and don’t. Kaya mo na ring ibigay ang sarili mo ng buo at walang pag-aalinlangan.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 15, 2018
Next articleChinese Horoscope; Disyembre 15
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here