WARNING SA TRAVELLERS: May Rubella Outbreak sa Japan

Mayroong Rubella Outbreak sa Japan, at 1,884 na ang apektado nito sa ngayon.

Ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa US ay nagbigay ng alerto para sa mga may balak maglakbay patungo sa Japan. Sinabi din ng Center for Health Protection ng Hong Kong na ang mga bata sa ilalim ng isang ay hindi dapat bisitahin ang Japan, dahil ang kanilang kaligtasan ay at risk at mababa pa ang kanilang immunity sa ganitong sakit.

Ang latest figures ay binalita ng Japan Times noong November 19, 2018 na nanggaling diumano sa National Institute of Infectious Diseases. Nakaka-biglang malaman na ang rason ng outbreak ay dahil sa mga kalalakihan na nasa edad 30 pataas, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan.

Ayon sa CDC, “Most cases continue to be reported in the Kanto region (Tokyo, Kanagawa, Chiba and Saitama). Travellers to Japan should make sure they are vaccinated against Rubella with the MMR (measles, mumps, and rubella) vaccine before travel.”

Mayroong serious consequences ang Rubella sa mga buntis at sa kanilang developing babies. Ang infection ng Rubella sa panahon ng pagbubuntis (lalo sa unang trimester) ay maaaring mag-result sa abnormal development ng fetus, miscarriage at premature delivery.

Ayon sa CDC at Centre for Health Protection ng Hongkong, “Pregnant women who are not protected against rubella through either vaccination or previous rubella infection should not travel to Japan during this outbreak.”

 

Ano ba ang Rubella virus?

Ang Rubella, o di kaya ay tinatawag na “Germal measles” o “3-day measles” ay nakakahawang viral infection na kilala sa pagiging distinctive red rash.

Ang signs at symptoms ng Rubella ay madalas na mild at mahirap mapansin lalo sa mga bata. Gayunpaman, ang infection ay maaaring maging malala lalo sa mga buntis sa kanilang first 20 weeks of pregnancy.

Ang symptoms ng Rubella ay nahahalata sa gitna ng dalawa at tatlong linggo pagkatapos ma-expose sa virus. Tumatagal ito mula isa hanggang limang araw:

-Masakit na ulo (Headache)

-Bahagyang lagnat sa temperaturang 102 F o 38.9 C o mas mababa pa (Mild fever)

-Baradong ilong (Stuffy or Runny nose)

-Namumulang mga mata (Inflamed, red eyes)

-Panlalaki at pagiging maselan ng lymph nodes sa ilalim ng skull, sa batok at likod ng tenga (Enlarged, tender lymph nodes at the base of the skull, the back of the neck and behind the ears)

-Rashes

-Masasakit na kasu-kasuan (Aching joints)

 

Paano kumakalat ang Rubella virus?

Ang Rubella ay isang nakakahawang sakit na maaaring kumalat kapag ang isang nahawaang tao ay umuubo o bumabahing. Maaari rin itong kumalat sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnay sa mga secretions ng respiratory person na nahawahan, tulad ng uhog. Maaari rin itong mahawa ng buntis na sa kanilang mga hindi pa isinisilang na anak sa pamamagitan ng bloodstream.

Ang isang taong may rubella ay nakakahawa sa loob ng isa hanggang dalawang linggo bago ang pagsisimula ng pantal hanggang sa mga isa o dalawang linggo matapos ang rash ay mawala. Ang isang nahawaang tao ay maaaring makalat ang sakit bago matanto ng tao na siya ay may ito.

 

Paano iiwasan ang Rubella virus?

Sa Pilipinas, dalawang dosage ng MMR vaccine ang kailangan para sa mga bata. Ang MMR vaccine ay libre sa barangay health centers. Ang first dosage ay recommended at 12 months na edad at ang second dosage naman ay dapat ibigay sa 15-18 months na edad.

Ang MMR vaccine ay isang live virus vaccine na dapat i-take ng mga nagbubuntis.

SHARE
Previous article4 Kinds of Love That Are Worth Fighting For
Next articlePAMAHIIN; Regla
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here